^

Probinsiya

No. 1 ‘tulak’ itinumba

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

ALIAGA, Nueva Ecija, Philippines – Nasawi ang isang vendor na nakatalang number 1 sa listahan ng mga hinihinalang ‘tulak’ ng droga sa bayang ito, makaraang pagbabarilin ng mga hindi kilalang armadong lalaki na sakay ng isang kotse noong Huwebes ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Senior Supt. Manuel Cornel, provincial police director, ang nasawing drug pusher na si  Eugenio Mallari, 43, ng Calle Badoy, Barangay Sto. Tomas, ng bayang ito.

Dead on-the-spot si Mallari mula sa mga tama ng bala ng baril na calibre 45.

Ayon kay PO3 Philip Santos, imbestigador ng Aliaga police, kasalukuyan pa nilang tinutukoy ang motibo sa pag-atake sa biktima.

Number one sa drug watch list ng Aliaga PNP si Mallari.

Sa imbestigasyon, nabatid na naganap ang insidente bandang alas-3:15 ng madaling araw ng Huwebes sa boundary ng Barangay Bucot at Barangay San Pablo (B). Sakay umano si Mallari at kanyang misis na si Nora ng motorsiklong Honda TMX 155 na may plakang 8903-XT nang isang kotse ang humarang sa kanilang daraanan at doon din ay pinagbabaril.

Napuruhan umano si Eugenio habang nakaligtas at hindi tinamaan ang asawa nito.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with