1.3-M passport data, 15.8-M fingerprints sa database dapat ipaliwanag ng Comelec - Gatchalian
MANILA, Philippines - Hiniling kahapon ni Nationalist Peoples Coalition (NPC) senatorial bet Win Gatchalian na sabihin ng Commission on Elections ang totoo kaugnay sa 1.3 milyong passport data at 15.8 milyong fingerprints na kabilang sa na-hack mula sa Comelec website.
Nitong Marso 27 ay na-hack ang Comelec website na naglalaman ng nasabing mga impormasyon ng mga botante ng LulzSecPilipinas.
Naaresto naman ng NBI kamakalawa ang sinasabing IT graduate na kabilang sa nang-hack sa website ng Comelec.
“What is alarming is that this crucial data is just in plain text and accessible for everyone, including cyber criminals who can use the leaked personal information of Filipino voters for extortion and other illegal activities,” wika ni Gatchalian na tumatakbong senador sa ilalim ng Partido Galing at Puso (PGP) ng Poe-Escudero tandem
Sinabi ni Gatchalian, kapag naupong senador ay isusulong niya ang mas mataas na parusa at multa sa mga hackers.
“Under the Cyber Crime Law, illegal access to websites (hacking) is punishable with imprisonment of prision mayor (up to 12 years) and a fine of at least P200,000 up to a maximum amount commensurate to the damage,” dagdag ni Win.
- Latest