Duterte, apektado sa ‘Australian rape remark’
MANILA, Philippines - Naniniwala si John Stevenson, survey director ng D’ Strafford Research and Strategies Inc. na ang pagkakamali sa ‘Australian rape remark’ na nagawa ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang dahilan upang bumaba ang rating ng Alkalde at tumaas naman si dating DILG Sec. Manuel ‘Mar’ Roxas.
Ang D’ Strafford ay dully recognized sa corporate and political survey group ng Security and Exchange Commission (SEC) na may kumpletong legal papers, company registered at business office.
Ayon kay Stevenson, umandar na ang local machinery ng Liberal Party (LP) kaya tumaas naman si Roxas.
Si Roxas at Sen. Grace Poe ang kapwa manguna sa isinagawang non-commissioned survey ng D’ Strafford.
Bahagyang nalamangan ni Roxas si Poe ng .3% sa survey na isinagawa mula April 13-18, 2016 sa buong bansa. Sa nasabing survey, 26.2% ng mga respondents ang nagsasabing nais nilang maging pangulo si Roxas kumpara kay Poe na nakakuha ng 25.9%.
Tied naman sa ikatlong pwesto sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte (20.4%) at Vice President Jejomar Binay (19.1%) habang si Senator Miriam Defensor-Santiago ang nasa huling pwesto na nakakuha ng 4.1%.
- Latest