Romulo isusulong ang pagbaba sa singil ng kuryente
MANILA, Philippines - Kung sakaling palarin sa halalan ay isusulong ni Ate Mons Romulo, kandidato sa Kongreso sa lone district ng Pasig City ang pagbaba ng pagbayad sa kuryente.
Ayon kay Romulo na alam niya ang sakripisyo ng karamihan sa pagbabayad ng kuryente at malaking kabawasan sa mga kinikita ng mga manggagawa.
Kaya’t rerepasuhin nito o baguhin ang EPIRA law (Electric Power Industry Reform Act) para maramdaman ng nakararami ang totoong layunin ng batas.
“Sa pag-amyenda o pagbabago nito, maaaring madagdag ng nakapaloob sa EPIRA. At kasama sa maaaring idagdag sa batas ay ang pagbibigay ng tulong na salapi ng pamahalaan partikular na sa mga kababayan nating kapus-palad na kailangang-kailangan lalo na ang bansa ang pangalawa sa may pinakamataas na binabayaran sa kuryente sa rehiyon”, wika ni Romulo.
Isa pang puwedeng pagbabago sa EPIRA ay ang palakasin ang Energy Regulatory Commission upang siguruhin na ang mga pribadong kompanya tulad ng Meralco ay tamang bayad lang ang sinisingil at matiyak na hindi nila ipinapasa sa mga mamamayan ang dapat ay sila ang nagbabayad.” wika ni Romulo na kapatid ni Pasig City Congressaman Roman T. Romulo na tumatakbong senador.
- Latest