^

PSN Showbiz

AiAi binulungan ni Direk Wenn!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Hindi na mabilang at maalala ni AiAi delas Alas kung ilang Box Office Queen award ang natanggap niya. Last year ay siya na naman kasi ang dineklarang Box Office Queen pero hindi siya nakarating sa awards night na ginanap recently dahil nag-pramis siya na kung hindi personal na tatanggapin ni Bossing Vic Sotto ang award for Box Office King, para sa pelikula nilang My Bebe Love, hindi na rin siya dadalo. Kaya when she learned na hindi nga ito (Bossing) dadalo, nag-decide siyang ipapaki na lang kay Alden Richards ang award niya. Ang alam niya family day kaya hindi naka-attend ang mister ni Pauleen Luna.

At nang i-Google niya, nakita niyang siyam na beses na siyang tumanggap ng nasabing parangal sa Box-Office Entertainment Awards.

Teka nagparamdam din ba sa kanya si Direk Wenn Deramas? “Oo pagkalibing. Mga 5:30 a.m. ‘yun. Parang bumulong siya, nag-bye,” kuwento ni AiAi nang maka-tsika namin sa first shooting day niya para sa pelikulang Our Mighty Yaya, ang ‘comeback’ movie niya sa Regal Films with 2013 Miss World Megan Young, Sofia Andres and Zoren Legaspi, directed by Jose Javier Reyes. Si Direk Wenn ang director niya sa kauna-unahang Box Office Queen award.

Anyway, common knowledge na sa tuwing may pelikula si AiAi, pina-practice niya ang celibacy.

Yup naging panata na nga niya na sa tuwing may pelikula siya wala munang make love with her partner. Nangungumpisal at nakikinig din siya ng misa bago sumabak sa first shooting day.

At nang bisitahin nga namin siya sa shooting, in character siya as yaya. Ibang-iba ang hitsura niya rito. Pati ngipin iniba para naman daw hindi ito makumpara sa marami na niyang pelikula.

“Ako na mismo ang nag-isip na baguhin ang hitsura ko para maiba sa roles na nakita nila sa akin. Sa script kasi, may dayalog ang batang alaga ko, ‘She’s ugly!’ Eh hindi naman ako ugly, ‘di ba? So pinanindigan ko na ‘yung ugly na ‘yon!” paliwanag ni AiAi.

So hindi ba ito puwedeng ikumpara kay Yaya Dub?

“Hindi! Ha! Ha! Ha! Pero huwag naman nila akong i-bash! Ha! Ha! Ha! Nagkataon lang naman. Dapat talaga kasi Mother’s Day ito. Para maiba naman ang concept. Hindi naman kailangang maging biological mother para may pagmamahal ka sa mga bata. Meron namang pusong ina ang mga yaya. Ang pagiging ina ay mula sa puso. Bukod sa dugo, meron ding heart! Heart!” katwiran pa ng Comedy Queen.

Change topic. Kumusta na nga pala si Jiro Manio?

“Ok naman siya. Nagpapagaling pa,” sabi niya. Pero ayaw na niyang magkuwento ng iba pa. Pero tuloy daw ang pagtulong niya dahil nga naawa siya.

Nadine pumalag sa playboy tag kay James!

Pumalag si Nadine Lustre sa bintang na playboy ang real and reel loveteam niyang si James Reid. Kilala raw niya ito. “Hindi naman playboy. Regarding the video, ‘yung mga nandoon naman po sa video, kilala ko naman po kung sino ‘yung nandoon sa car,” sabi ni Nadine sa interview ni Tito Boy Abunda the other night sa Tonight with Boy Abunda.

Maalalang may nag-viral na video si James na may kasamang dalawang babae habang naghaharutan sa kotse na ebidensiya pa raw na talagang hindi naman sila. “Basta ang importante po, me and James, we know what’s real and we know the truth. That’s what’s important,” pagdidiin ni Nadine.

Abala ngayon ang magka-relasyon sa kanilang summer movie na This Time na showing sa May 4.

Sheryl dumidistansiya na kay Duterte?!

Bigla raw dumistansya ang aktres na si Sheryl Cruz sa pagkakaugnay sa kampo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte matapos maglabasan ang mga ulat na magkakaroon umano ng presscon ang mag-inang Rosemarie Sonora at Sheryl laban kay Sen. Grace Poe bago magkaroon ng last Presidential debate sa Linggo.

Nagpalabas si Sheryl ng statement na wala raw siyang ineendorsong kandidato sa pagka-pangulo taliwas sa kumakalat sa social media.

“I totally disclaim/disown any political ads stating that I support and endorse other presidential candidate,” sey ng maikling pahayag ng aktres matapos kumalat ang mga larawan na nagsasabing ineendorso niya si Duterte.

“I have not decided yet who to support for any presidential candidate. Whatever may appear in the social media is false and is contrary to Filipino culture that we all adhere to,” dagdag pa ng kumanta ng 80’s hit na Mr. Dreamboy.

Kumakalat kasi ang impormasyon na ang kampo raw ni Duterte ang nasa likod sa umano’y pagbabalik ni Sheryl at ng balikbayang si Rosemarie laban kay Grace.

Anang source, nagtataka raw si Ms. Susan Roces kung bakit hindi siya nasabihan sa biglaang pag-uwi ng kapatid mula sa Estados Unidos kung saan ito nakabase. Naispatan daw ang beteranang aktres kamakailan na sinundo pa sa airport ng isang personalidad na malapit sa kontrobersyal na pulitiko.

Balak daw umanong buhayin ng mag-ina ang mga lumang tsika laban sa anak ni Fernando Poe Jr. at Tita Swanie katulad ng pagmamaltrato diumano nito sa dating kasambahay at pagiging bipolar umano ng senadora.

Unang lumabas ang mga alegasyon laban kay Grace noong nakaraang taon matapos siyang magdeklarang kakandidatong pangulo ng bansa.

Ilang beses na ring itinanggi ni Grace ang mga umano’y walang-basehang paninira sa kanya.

Kahit noong unang nag-ingay si Sheryl laban sa pinsang senadora, pilit pa rin siyang inintindi ng mag-inang Grace at Susan at never siyang pinagsalitaan ng masama.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with