^

PSN Showbiz

Book launch ni Ricky Lo, dinaluhan ng mga sikat na kaibigan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Early bird ako sa launch kahapon sa Sampaguita Gardens ng Conversations Pa More, ang third book ni Philippine Star entertainment editor Ricky Lo.
Ilan sa mga celebrity na dumalo sina Susan Roces, Pilita Corrales, Carmen Soriano at ang pamilya ni Papa Ricky.

Nabalitaan ko na dumating din ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama pero hindi na kami nagpang-abot dahil nakaalis na ako. Pumunta pa ako sa Sta. Rosa, Laguna dahil nakiramay ako kay Mark Herras na naulila sa ina.

Tiyak na ang bagong season ng It Takes Gutz to be A Gutierrez dahil nakasunod ang crew at American director ng show kina Eddie at Annabelle.

I should know dahil nakita ko ang American director sa Sampaguita Gardens dahil nauna siya na dumating kesa sa Gutierrez couple.

Butch Francisco lumitaw

Ang VRJ Books ng Viva ang publisher ng Conversations Pa More kaya in full force sila kahapon sa bonggang launch sa Sampaguita Gardens.

Nag-join sa event si Manay Marichu Vera Perez Maceda at ang kapatid nito na si Lilibeth Nakpil na in charge sa catering.

Umapir din si Butch Francisco na buffed na buffed ang katawan. Matagal na kaming hindi nagkikita ni Butch mula nang mag-babu sa ere ang Startalk noong 2015 pero dumalo siya sa book launch bilang suporta sa aming co-host.

Alden at Maine, hindi sumuporta?!

Mababasa sa Conversations Pa More ang compilation ng mga article ni Papa Ricky sa Philippine Star.

Nag-wonder ako dahil wala sa book launch sina Alden Richards at Maine Mendoza samantalang napakalapit lang ng Sampaguita Gardens sa Broadway Centrum studio ng Eat Bulaga.

Naimbitahan kaya ang AlDub o hindi nila alam na kahapon ang book launch ng Conversations Pa More.

Very supportive si Papa Ricky sa AlDub, lalo na noong nagsisimula pa lang ang loveteam nina Alden at Maine. Okey na okey rin sana kung sinuportahan din nila ang event ng Viva Publishing para kay Papa Ricky.

Sen. Manny at Sen. Cynthia, namakyaw ng libro

Hindi nakadalo sa book launch si former Senator Manny Villar at ang kanyang misis na si Senator Cynthia Villar pero nagpadala sila ng representative.

Fifty copies ng Conversations Pa More ang pinabili nina Papa Manny at Mama Cynthia kaya thankful sa kanila ang author at publisher ng libro.

Present din nga pala sa bonggang event si Mama Ricky Reyes na lumipat na sa kanyang bagong mansion sa Pasig City.

At dahil may cellphone camera ang lahat ng mga bisita, super-pictorial kami, kasama si Papa Ricky.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with