Roxas binira sa Bottom-Up-Budgetting program
MANILA, Philippines - Binuweltahan ni Kabataan partylist Rep. Terry Ridon ang ginawang pagmamalaki ni Presidential aspirant Mar Roxas sa Bottom-Up-Budgetting program ng administrasyon Aquino.
Ayon kay Ridon, malinaw naman ang talagang layunin ng BUB ay para palakasin ang kandidato ng Liberal Party (LP).
Paliwanag pa ng kongresista, ginamit nina Roxas ang grassroots approach ng pagpopondo sa ilalim ng BUB para isulong ang patronage politics sa LGUs.
Patunay umano dito ang naglalakihang BUB funds na inilaan sa mga balwarte nina Pang. Aquino at Roxas gaya ng Regions III o Central Luzon, Region 6 o Panay at ang vote-rich Region 7 kung saan Cebu ang may pinakamalaking BUB budget.
Sabi ng kongresista, nang magsimula ang BUB noong 2013, umabot sa 8.4 billion ang pondong ikinalat sa halos 600 munisipalidad hanggang sa lumobo sa mahigit 20 billion noong 2014 na hindi na halos nalalayo sa PDAF.
Idinagdag pa ni Ridon, ang BUB ay walang iba kundi large-scale bribe scheme at multi-billion pork barrel ni Roxas.
- Latest