^

Para Malibang

Malalamig na kulay

Pang-masa

Laging exciting ang pagpapalit ng fashion tulad ngayong panahon ng summer. Marami pa naman ang mahilig sa mga matatapang na kulay dahil ang dark na damit ay nakapagpapayat tingnan. Kaya malaking challenge sa karamihan ang pagsusuot ng mga light colors kapag summer time.

Pero ngayong mainit ang panahon, nirerekomendang iwasan ang pagsusuot ng sobrang dark na kulay dahil mas nag-a-absorb ito ng init sa katawan tulad ng kulay pula o itim. Sa sobrang tingkad kasi ng init ng araw na tumatama sa mga dark colors na damit ay mas tumataas din ang body temperature ng tao. Dahil sa init na nararamdaman sa suot na dark-colored ay mas pagpapawisan, mangangamoy, at makararamdaman ng init, sakit ng ulo, pagod, at stress dahil sa maalinsangang ng panahon. Kapag summer season ay tumataas din ang bilang ng inaatake ng stroke at sakit sa puso sa tindi ng init ng panahon.

Samantalang kung light na kulay lang ang suot na kahit tamaan ng sinag ng araw ay nagre-regulate pa rin ng body temperature na nag-iiwan ng preskong effect sa katawan. Hindi rin dapat katakutan ang pagsusuot ng light colors dahil nakakabata rin itong tingnan dahil sa malamig sa mata ng mga kulay.  Dahil sa relaxing at cheerful ang kulay ng mga light-colored ay may natural na effect din ito sa magandang mood ng season ngayong bakasyon.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with