Agro Industrial Zone kailangan sa Mt. Province
MANILA, Philippines – Isang agro-industrial zone at mas maraming “dynamic food terminal” sa Mountain Province ang kailangan.
Ito ang nakita ni Senator Grace Poe na pangangailangan nang pagtatayo ng isang agro-industrial zone sa Bontoc at ang pagpapasigla sa food terminal dito gaya ng sa La Trinidad Vegetable Trading Post sa Benguet na makatutulong para sa mga magsasaka na iproseso, ikalakal at ipagbili ang kanilang mga produkto sa mas mababang presyo.
Ang La Trinidad Trading Post ang siyang bumubuo sa 1.2 milyong kilo ng mga gulay na ibinabagsak, araw-araw sa iba’t ibang panig ng bansa.
Bukod sa mga food terminal, itinutulak din ni Poe ang pagtatayo ng mas maraming imprastraktura na magbabawas sa gastusin ng mga magsasaka at magpapataas ng kanilang kita.
Kasama rito ang farm-to-market road para mas mabilis at mas epektibong daloy ng mga produkto at serbisyo sa lugar.
- Latest