Confidently Beautiful with a Heart
Nauso bigla ang #Confidently Beautiful with a Heart ang trending hashtag worldwide na sagot mula sa mala-dramang pagproklama ng bagong Miss Universe na si Pia Wurtzbach.
Karamihan sa mga kababaihan ay naglalaan talaga ng oras ng pagpapaganda sa paglalagay pa lang ng makeup, style ng buhok, sa isusuot na tamang damit, alahas, at sapatos.
Mas nakapokus sa pisikal na anyo ang mga babae, pero paano ba ma-achieve ang kagandahan na inside and out sa paningin ng lahi ni Adan:
Kalooban - Kahit sabihin pang ang panlabas na anyo ay malakas na atraksyon, pero mas nagbibigay pa rin ng sparks sa mga kalalakihan ang inner beauty ng isang babae. Hindi naman kailangan maging beauty queen, malaking boobs, o super model na katawan. Dahil mas lamang pa rin ang kagandahan ng kalooban na hindi kumukupas ang hinahanap ng mga lalaki.
Kabutihan – Ang tunay na ganda ng babae ay hindi nakikita sa itsura ng mukha o hugis ng katawan, kundi sumasalamin ang repleksyon ng kanyang kaluluwa. Kung paano siya makipagkapwa tao at tratuhin ang iba ng may kabaitan, magalang, mares-peto, at may pagpapahalaga sa karapatan ng bata, anak, asawa, kaibigan, o ng matanda. Ito ay nag-iiwan ng positibong impression sa kanyang totoong pagkatao.
Paninindigan- Hindi natatakot na magpahayag ng kung ano ang tunay na nararamdaman, sa pagsasabi ng kanyang paniniwala na hindi intensiyon na makasakit ng ibang damdamin ng kapwa. Dahil naninindigan at ipinaglalaban kung ano ang tama at upang magbigay ng boses sa mahihina.
- Latest