^

Punto Mo

Raket ng Makati police

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

BIGYAN daan natin mga kosa ang sagot ni Sr. Supt. Vincent Calanoga sa kolum ko na “Wagi ang reputasyon ni Col. Calanoga, bow! Narito po! “Ang kapatid ko (PO3 Vergilio Calanoga) po ay wala na sa SAID. Siya ay nakatalaga sa Patrol Unit ng MCPS. Kailan man ay hindi siya nabansagan ng Jango o ano pa mang pangalan. Ang lathala po ukol sa kapatid ko ay walang katotohanan at paninira lamang ng mga taong gustong pabuksan ang color games sa parang. Ang gastos po sa aming Christmas party ay galing po sa savings ng Station at tulong mula kay Mayor Del De Guzman, Vice Mayor Cadiz, mga konsehal, mga punong barangay at mga kaibigan ng ating kapulisan. Wala pong galing sa mga illegalista. Huwag po tayong palilinlang sa mga malisyosong lathalain. Tinitiyak ko, kung sinong maingay siya ang nagutom dahil walang color games. Parang pusa yan na gutom, maingay.”

Hayan, walang sobra ‘yan mga kosa, at walang kulang. Ireserba natin mga kosa ang kasagutan dyan! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa? Tumpak!

Kung sarado naman ang peryahan ni Mrs. Roa sa Parang, Marikina, nagbukas naman si alyas Marissa sa Baseco compound sa Port Area, Manila at si Dandan naman sa Pasong Tamo sa Makati City. Si Marissa ay full blast ang operation samantalang ang kay Dandan ay bukas-sara dahil maraming operating unit ang nakabantay sa kanyang puwesto na delantera. Siyempre, ang permit nitong peryahan nina Marissa at Dandan ay para sa mini-carnival subalit naging pasugalan bunga sa ilang lamesang color games at drop ball. Ang color games at drop ball ni Marissa ay nasa sakop ni Supt. Albert Barot ng MPD Station 5 samantalang ang kay Dandan ay kay Sr. Supt. Ernesto Barlam. Kaya naman hindi pinabuksan ni Calanoga ang peryahan sa Parang ay sa pangambang masira ang reputasyon n’ya, itong peryahan ba nina Marissa at Dandan ay nagbukas dahil sira na ang reputasyon nina Barot at Barlam? Punyeta! Bakit hindi kayang pamarisan nina Barot at Barlam si Calanoga na umaayaw sa pitsa? Hehehe! Yumabong sana ang katulad ni Col. Calanoga sa hanay ng kapulisan!

Kung sabagay, hindi lang ang perya ni Dandan ang raket ng Makati police kundi maging ang towing ng mga tumirik at illegal parking na mga sasakyan. Walang humpay ang operation ng RWM towing sa lahat nang sulok ng Makati na ang may-ari ay sina Bong Kalbo at alyas Romy. Ang singil ng RWM towing sa tumirik at illegally parked vehicles ay P8,500 para sa trailer, P7,800 sa trak, P4,800 sa Elf, at P2,800 sa mga kotse. Hehehe! Malaking pera ito kung sa kaban ng Makati napupunta, di ba mga kosa? Kaya tinawag na raket ito dahil pati si Barlam at iba pang unit ng Makati police ay may parte rito. Sinabi ng mga kosa ko na P30,000 kada linggo ang parte ng Makati PNP sa RWM towing. At ang nakikinabang! Siyempre, hindi pahuhuli si Barlam, si Sr. Insp. Ferdie Satorre ang hepe ng intelligence division, ang hepe ng trapik at ang hepe ng tatlong presinto na may sakop ng Osmeña Highway! Punyeta! Abangan!

ALBERT BAROT

ANG

BARLAM

BAROT

CALANOGA

DANDAN

HEHEHE

MAKATI

MARISSA

MGA

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with