^

Metro

Dinukot na bata nailigtas habang namamalimos sa Quiapo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 8-taong gulang na batang lalaki ang nailigtas mula sa pinaniniwalaang sindikato ng mga nangingidnap ng mga batang gina­gamit sa pagpapalimos nang mamataan ito sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sinabi ng mga magulang nito na noong Nobyembre 13, 2015 pa nawala ang biktima habang naglalaro sa isang computer shop sa Cubao, Quezon City.

Matagal nang pinaghahanap ang bata sa erya ng Cubao, Philcoa sa QC at sa Sta. Cruz, Maynila hanggang sa may nakapagsabi sa kanila na namataang namamalimos ang kanilang anak sa Quiapo.

Arestado naman ang suspek na umano’y handler ng biktima na kinilalang si Noel De Leon, na kasalukuyang pinipigil sa Manila Police district-station 3, para sa pormal na pagsasampa ng reklamong Child Trafficking at Abduction.

Sa ulat mula kay Chief Inspector John Guagui, block commander ng Plaza Miranda Police Community Precinct (PCP), dakong alas 9 ng gabi  nang mailigtas ang bata habang ang suspek naman ay naaresto din sa Plaza Miranda.

Humingi ng police assis­tance ang mga  magulang ng bata at agad ikinasa ang operasyon kaya nahuli ang suspek at naisalba ang bata.

Sa naging pahayag ng biktima, inuutusan silang mamalimos ng suspek at sa kalsada lamang sila natutulog. Kung makaipon na sila ng malaki mula sa limos dadalhin naman sila sa Pampanga.

Gayunman, ang biktima lamang ang naisalba at hindi pa tinukoy kung nasaan at sinu-sino pa ang mga biktimang sinasabi ng bata na kasama niya sa pagpapalimos.

 

ACIRC

ANG

CHIEF INSPECTOR JOHN GUAGUI

CHILD TRAFFICKING

CUBAO

MANILA POLICE

MAYNILA

NOEL DE LEON

PLAZA MIRANDA

PLAZA MIRANDA POLICE COMMUNITY PRECINCT

QUEZON CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with