^

PSN Showbiz

Alden natupad pa rin ang pagiging ‘piloto’

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hindi man natuloy si Alden Richards sa kanyang planong maging piloto, piloto na ring maituturing ang nangyayari sa kanya dahil sa biglang pagbulusok ng sobrang kasikatan nito ngayon sa tulong ng loveteam nila ni Maine Mendoza.

Kung dati-rati’y sa kalyeserye ng Eat Bulaga lamang parating napapanood ang tambalan nina Alden at Maine, ngayon ay mapapanood na sila sa big screen sa kauna-unahang pagkakataon sa pamamagitan ng MMFF movie na My Bebe Love #KiligPaMore na pinagbibidahan nina Vic Sotto at AiAi de las Alas.

Malayo na nga ang narating ni Alden na naniniwalang nakasubaybay pa rin sa kanya ang kanyang yumaong ina.

Coco at Vice, halos magkakambal na ang bituka

Isa si Coco Martin sa mga itinuturing na best friends ni Vice Ganda in and out of showbiz. Ang pagkakaibigan ng dalawa ay nagsimula noong nagta-trabaho pa bilang stand-up comedian si Vice Ganda at si Coco naman bilang waiter ng isang branch ng Max’s Restaurant.

Pero agad nilinaw ni Vice Ganda na wala umanong romantic relationship na namagitan sa kanila ni Coco dahil pinsan nito ang isa sa mga kabarkada niya.

Nang pareho na silang pumasok sa showbiz, pareho silang natuwa para sa isa’t isa at mas lalong naging madalas ang kanilang pagkikita at pag-uusap at dito umano nabuo ang unang tambalan nila sa pelikula, ang Beauty and the Bestie na dinirek ni Wenn Deramas at isa sa mga kalahok sa 2015 Metro Manila Film Festival.

Sinabi naman ni Vice Ganda na pagdating sa kanilang lovelife ay naglilihiman umano sila ni Coco dahil madalas siyang ibuking nito.

Reporter lantarang ginagatasan ang nanay ng teenstar

Sana naman ay huwag gawing kalakal ng ilan sa mga kasamahan natin sa panulat ang kanilang pagiging reporter o entertainment writers para lamang kumita ng pera.

Isang concerned parent ang nagsumbong sa amin na isa umanong reporter ang lantarang nanghihingi ng pera sa ina ng dating childstar na isa na ngayong teen-star ng isang major TV network.

Bukod sa mahilig umanong manghingi ng kung anu-anong pa-raffle (diumano), buong kapal pa itong nanghihingi ng pera para sa kanyang pamilya.

Nung una ay pumapatol umano ang ina ng teenstar at nagbibigay ito ng pera pero lately, nakahalata ang mommy ng young star na ginagawa na silang gatasan ng reporter kaya siya umalma.

Ang kapal naman.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANG

BEAUTY AND THE BESTIE

COCO MARTIN

EAT BULAGA

ISA

MAINE MENDOZA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MY BEBE LOVE

VIC SOTTO

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with