^

Metro

4 parak na dawit sa tanim bala, nasibak na sa puwesto -- PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matagal na umanong nasibak sa puwesto ang apat na miyembro ng PNP- Aviation Security Group (PNP-ASG) na guilty sa inilabas na resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng kontrobersyal na tanim bala scam sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kinumpirma ni PNP -ASG Spokesperson P/Chief Ins­pector Samuel Hojilla na noon pang nakalipas na buwan ng Nobyembre nasibak ang apat na pulis.

Nitong nakalipas na araw ay ibinulgar ng NBI base sa resulta ng kanilang imbestigasyon sa tanim bala scam ay guilty ang apat na pulis na kasapi ng PNP-ASG.

Kabilang sa mga nasibak bunga ng nasabing anomal­ya ay sina P/ Insp. Adriano Junio, SPO4 Ramon Bernardo, SPO2 Romy Navarro at SP02 Rolando Clarin.

Sinabi ni Hojilla na sa ka-tunayan ay unang nasipa sa puwesto si Junio noong Nob­yembre 7 ng taong ito habang ang tatlo pang Enlisted Personnels (EPs) ay nito namang na­kalipas na Nobyembre 13.

Samantalang una na ring sinibak sa puwesto ni PNP-ASG Director P/Chief Supt. Francisco Balagtas ang 21 nitong tauhan dahilan naman sa kabiguang ireport ng tama ang bilang ng mga naarestong katao sa paliparan matapos na mahulihan ng bala.

Nabatid sa rekord ng NAIA OTS ay nasa 1,212 ang nasakote sa tanim bala simula Enero hanggang Set­yembre ng taong ito pero sa tala ng PNP- ASG ay umabot lamang ito sa 51 katao.

Inamin naman ni Hojilla na apektado ang kanilang hanay sa nasabing iskandalo  pero sa kabila nito ay tuloy pa rin ang kanilang pagbibigay seguridad sa terminal ng NAIA.

Binigyang diin nito na wala sa polisiya ng PNP-AVSEGROUP ang gumawa ng irregularidad tulad ng tanim bala scam at kung sino man ang mapatunayang nakipagsabwatan sa mga tauhan ng Office of Transportation Security (OTS) sa NAIA ay kanilang sisibakin sa puwesto bukod pa sa kasong administratibo ay ipaghaharap rin ng kasong kriminal.

ACIRC

ADRIANO JUNIO

ANG

AVIATION SECURITY GROUP

CHIEF INS

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

ENLISTED PERSONNELS

FRANCISCO BALAGTAS

HOJILLA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with