^

PSN Showbiz

Carla walang planong amuin ang mga basher

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Magaling na endorser si Carla Abellana dahil hindi lang niya pino-post sa Instagram (IG) ang product na in-endorse niya. Sinasabi rin niya ang nagagawa nito at pati kung kailan gagamitin ay nakadetalye pa.

Ginagawa ito ni Carla sa ini-endorse na Vita-E ng ATC Healthcare PH. Sa mga bumili na, two capsules ang dapat inumin daily bago o pagkatapos ng first meal. Malinaw ‘yan ha!

Bongga si Carla dahil ang fashion photographer na si Nigel Barker at judge ng America’s Next Top Model ang fotog sa pictorial niya para sa Vita-E. Napansin ni Carla na walang sinusunod na peg si Mr. Barker sa pictorial, free flowing lang and after the pictorial, saka nito pinipili ang best photos.

Anyway, sana mabasa ng followers ni Carla sa Instagram (IG) na nag-unfollow sa kanya dahil lang ini-endorse niya si Mar Roxas ang sagot niya sa mga ito.

Sabi nito, parte ng desicion niya ang pag-a-unfollow sa kanya sa IG at naintindihan niya iyon. “Pinag-isipan namin ito at alam kong may magagalit. Mawawalan ka ng fans at followers at choice nila ‘yun. Hindi rin naman kami namimilit na piliin si Mar. Naiintindihan ko sila.”

Samantala, kung may mga nag-unfollow man kay Carla dahil sa political belief niya, may mga bagong fans naman siya. Sila ang viewers ng Because Of You na enjoy sa panonood gabi-gabi.

Ang balita namin, tuwang-tuwa ang mga bossing ng GMA 7 sa Because Of You dahil sa positive feedback mula sa viewers at sa mataas na ratings. Mukhang nanga­ngamoy extension ito kahit one week pa lang na tumatakbo.

Julie Anne ayaw pahuli kay Yaya Dub

Congratulations kay Julie Anne San Jose sa napanalunan sa 28th Aliw Awards. Best-selling album ang second album niyang Deeper at Best Rap Recording ang Dedma na collaboration nila ni Abra.

Bukod sa two awards sa Aliw Awards, nag-num­ber one rin sa MYX ang Deeper album niya under GMA Records.

Doing good ang career ni Julie Anne at mataas din ang ratings ng Buena Familia kung saan klik sa fans ang love team nila ni Jake Vargas. May Day Off pa siya sa GMA News TV at napapanood din sa Sunday PinaSaya.

May suggestion pala kami sa Sunday PinaSaya, sa darating na Linggo kung saan maggi-guest si Maine Mendoza para mag-promote ng My Bebe Love. Bakit hindi nila i-guest din si Jake para dalawang love teams ang aabangan ng fans? May AlDub na, may JhaLie pa?

Valeen tinalbugan na ang mga totoong Kapuso

Ang suwerte ni Valeen Montenegro dahil kahit hindi siya talent ng GMA Artist Center at ng GMA Network, regular siyang napapanood sa dalawang shows ng istas­yon. Mainstay siya ng Sunday Pinasaya at Princess In The Palace na kahit sabihin pang parehong produced ng APT Entertainment, napapanood pa rin siya sa Kapuso Network.

May tsikang papasok din si Valeen sa Eat Bulaga, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakasama ng Dabarkads. But she will be a welcome addition sa group if ever madagdag siya sa Dabarkads.

Tapos ngayon, kasama siya sa MMFF entry na My Bebe Love at isinama siya sa presscon. Hindi man siya masyadong napansin dahil present sina Vic Sotto, AiAi delas Alas at sina Alden Richards at Maine Mendoza, babawi siya sa movie dahil maganda ang role.

vuukle comment

ACIRC

ALIW AWARDS

ANG

BECAUSE OF YOU

CARLA

DAHIL

JULIE ANNE

MAINE MENDOZA

NIYA

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with