Pauleen kinaiinggitan!
More or less ay mga 300 ang inaasahang guests sa wedding ng soon-to-be couple na sina Vic “Bossing” Sotto at Pauleen Luna na magaganap sa buwan ng Enero 2016.
Dahil abala si Bossing sa kanyang Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na My Bebe Love (#KiligPaMore), ipinauubaya niya sa kanyang fiancée ang pamamahala sa ibang detalye.
Kasama sa wedding entourage ang kanyang apat na anak na sina Danica at Oyo (mga anak niya sa ex-wife niyang si Dina Bonnevie), Vico (kay Coney Reyes) at si Paulina (kay Angela Luz).
Twenty three years din ang pinalagpas ni Bossing bago siya muling nagdesisyon na mag-asawa at magpakasal.
Hindi dahilan ang 34 years age gap sa pagitan nina Vic (61) at Pauleen (27) sa kanilang pagmamahalan at tanggap ito ng kanilang respective families laluna ng mga anak ni Vic na hindi nalalayo ang edad kay Pauleen.
Marami ang naiinggit kay Pauleen dahil sa hinaba-haba ng panahong pagiging single ni Bossing, siya ang piniling pakasalan.
AiAi wala nang mahihiling pa ngayong Pasko
Hindi naiwasan ng comedy queen na si AiAi delas Alas na maging emotional sa grand presscon ng MMFF movie na My Bebe Love (#KiligPaMore) na pinagtatambalan nila ni Vic Sotto kasama ang hottest loveteam sa kasalukuyan, sina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza na ginanap sa bagong bukas na Circle Events Place in Quezon City last December 9 ng gabi.
Aware ang marami na hindi naging maganda ang taong 2014 kay AiAi sa kanyang career pero agad siyang nakabawi this year bagay na kanyang ipinagpapasalamat laluna na kay Bossing na hindi umano tumalikod sa kanya kahit nung panahong nasa Kapamilya Network pa siya.
Dapat kasi ay may follow-up movie project sila ni Bossing after their 2011 MMFF movie na Enteng ng Ina Mo pero hindi ito natuloy dahil hindi siya pinayagan ng Star Cinema. Apat na taon ang kanyang ipinaghintay bago muling naisakatuparan ang muling pagtatambal nila ni Bossing. Inaasahang magiging box office hit ang pelikula nila sa darating na Pasko.
Magmula nang maging Kapuso si AiAi, everything is coming up roses for her dahil bukod top-rating ang dalawa niyang TV show – ang Sunday PinaSaya at CelebriTV, may bago siyang MMFF movie ang hopefully soon ay magkakaroon siya ng isang weekly sitcom.
Kung magandang muli ang takbo ng showbiz career ni AiAi, happy rin ang kanyang lovelife dahil smooth sailing ang takbo ng kanilang relasyon ng bata niyang boyfriend na si Gerald Sibayan.
Dahil sa karelasyon Pokwang parang araw-araw summer ang buhay
Kung happy ang lovelife ni AiAi delas Alas, hindi rin naman nagpapahuli ang isa pang singer-comedienne na si Pokwang dahil pagkalipas ng 17 taon ay muli siyang nakatagpo ng bagong lovelife sa katauhan ng American actor na si Lee O’Brien who gave up his career sa America to be with her.
Ayon kay Pokwang na kasama sa MMFF movie na All You Need is Pag-ibig, ito umano ang first Christmas holiday niya na meron siyang lovelife at kasama ang kanyang kaisa-isang anak na si Ria Mae.
Marami rin ang nakapansin sa suot na singsing ni Pokwang sa presscon ng All You Need is Pag-ibig na inaakalang engagement ring pero agad itong pinabulaanan ng singer-comedienne.
Although napapag-usapan na rin umano nila ni Lee ang pagpapakasal, wala pa umanong pinal sa kanyang usapan pero umaasa siya na doon hahantong ang kanilang relasyon lalupa’t gustung-gusto nila pareho na magkaroon ng anak. Sayang nga lamang at nagka-miscarriage siya.
Magmula nang dumating sa kanyang buhay ni Lee, araw-araw ay parang summer para kay Pokwang who is Marietta Subong sa tunay na buhay.
- Latest