Hagdang Bato umayaw; Low Profile patok na patok
MANILA, Philippines - Wala ang Hagdang Bato sa mga pangunahing contender para sa 2015 Presidential Gold Cup bukas.
Pinaniniwalaang nangayaw na ito at sa halip ay aasa na lamang ang mga backers niya sa Malaya na isang apat na taong abuhing kabayo.
Sa jockey Jonathan B. Hernandez ang siyang sasakay sa Malaya at malakas pa rin ang tsansa nito na masilat ang Low Profile na sasakyan ni Mark A. Alvarez na patok na patok.
Ang iba pang mga kalahok at mga hinete nito ay ang Dixie Gold (Pat Dilema), Kanlaon (Val Dilema), Pugad Lawin (John Paul Guce), Messi (John Guce), Tap Dance (Jessie B. Guce) at Penrith (Cristopher V. Garganta).
Ang distansiya ay 2,000 meters at ang nakakalulang premyong P3-milyon ang mapupunta sa kampeon. May P1-milyon naman sa runner-up; P500,000 sa third placer at P300,000 sa fourth placer. Ang breeder’s purse ay P200,000 mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ngayong Sabado ay may 11 karera ang naihanda na Christmas racing festival na binalikat ng Philippine Racing Commission at karerahang Manila Jockey Club, Inc. ang magsisilbing pinaka-highlights.
Mga kabayong may edad dalawang taon ang kasali sa distansiyang 1,400 meters na may garantisadong P140,000 papremyo. May dagdag pang P10,000 para sa winning horse owner.
Ang mga kalahok ay ang Queen Cheetah (Rodeo G. Fernandez), Regal Baby (John A. Guce), Xen Young (Jonathan B. Hernandez), Luyang Cave (Jessie B. Guce), Gunga Din (Yson L. Bautista), Guanta Na Mera (Kelvin B. Abobo) at Striking Colors (C.S. Pare Jr).
May isa pang full gate na karera para sa dalawang taong gulang na kabayo na nailagay sa unang karera at ang mga kalahok ay ang Rolling Mill, Marianna, Pax Romana, Fighter In The Wind, Virgin Victoria, Whispering Hope, Nothing But D’Truth, Leave It To Me, Stronghold, Ora Et Labora, Sippin Beauty, King’s Guard, Lu Fei at Razzle Dazzle.
Sadyang angat si Nothing But D’Truth na mula sa kuwadra ni Atty. Narciso O. Morales. Ang iba pang mga angat sa lalahukang karera ay ang Up And Away sa Handicap group-8. Angat rin ang Air Control sa Handicap group-6 sa huling karera.
- Latest