^

PSN Showbiz

Mentally challenged na apo ng komedyante, inabuso ng pinagkatiwalaang lalaki!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Biktima ng pang-aabuso ang mentally challenged granddaughter ng sikat na komedyante. Anak ng komed­yante ang ama ng biktima pero matagal na silang hiwalay ng asawa niya.

Mismong ang ina ng biktima ang nagbahagi sa Facebook account niya ng malungkot na karanasan ng kanyang anak dahil sa sobrang sama ng loob.

Ang lalaki na pinagkatiwalaan ng ina ng biktima ang suspect sa pang-aabuso sa apo ng komedyante.

Apparently, may mga nagpayo sa nanay ng biktima na burahin ang kanyang Facebook post para hindi na kumalat ang nangyari sa anak niya pero huli na dahil marami na ang nakaalam sa insidente.

Direktor ng pelikulang Buy Now… mas bata pa sa mga bida!

Ipinagkatiwala ni Quantum Films producer Atty. Joji Alonso ang pamamahala sa Buy Now, Die Later sa 26-year-old director na si Randolph Longjas.

Si Longjas ang direktor ng Ang Turkey Man Ay Pabor Rin, isa sa Top 20 Best Filipino Films noong 2013 at ang Buy Now, Die Later na official entry sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang biggest break niya dahil sa oportunidad na ibinigay sa kanya ni Alonso na responsible rin sa successful moviemaking career ngayon nina Antoinette Jadaone at Dan Villegas na parehong may pelikula na kasali sa MMFF. Si Jadaone ang direktor ng Kris Aquino-Derek Ramsay starrer na All You Need Is Pag-Ibig, samantalang film entry naman ni Villegas ang Walang Forever na tinatampukan nina Jericho Rosales at Jennylyn Mercado.

Maligayang-maligaya si Longjas sa pagkakataon na ipinagkaloob sa kanya ni Alonso na umamin na malaki ang nagastos ng Quantum Films para mabuo ang Buy Now Die Later.

Para sa isang baguhan na kagaya ni Longjas, malaking karangalan na maihanay ang kanyang pangalan sa mga beteranong direktor na may mga pelikula rin na kalahok sa MMFF.

“Ako talaga, sobrang malaking pasasalamat na binigyan kami ng opportunity. The fact na mahanay kami sa kanilang lahat, sobrang humbling experience.

“Wala akong masyadong expectations sa awards na maging best director. Okey lang ‘yon, sa kanila na lang ‘yon.

“Ang akin lang, maging malinis ang pelikula namin, pag-usapan siya at ma-appreciate siya ng tao kasi ‘yung content namin is very different from the rest of the entries.

“I’d rather work on that rather think about kung ano ang iisipin ng mga tao. I’m just really happy na nakapasok kami sa Metro Manila Film Festival.

“Gusto ko kong i-wish sila ng good luck and all kasi for sure ginagawa rin nila ang best nila to create a very good material for the Filipino people.

“Para sa akin, it’s just a humbling experience na mahanay sa kanila and I have a long way to go. Sobrang marami pang kakaining bigas and for me, hindi pa ako nararapat na ihanay sa kanila,” ang mapagkumbaba na pahayag ni Longjas na mas bata pa sa mga artista na bida ng Buy Now, Die Later.

Janine natutulad sa nanay ang kapalaran

Lead cast ng Buy Now, Die Later sina Vhong Navarro, Lotlot de Leon, TJ Trinidad, Rayver Cruz, John Lapus, Janine Gutierrez, at Alex Gonzaga.

Earlier this year, nasabi sa amin ni Janine na gustung-gusto niya na makagawa ng pelikula at ang Buy Now, Die Later ang katuparan ng kanyang pangarap.

Nauna nga lang gawin ni Janine ang Lila, ang horror movie na mula sa direksyon ni Gino Santos pero unang ipalalabas sa mga sinehan ang Buy Now, Die Later.

Dahil parehong horror movie ang kanyang mga project, nabanggit ni Janine na nalilinya na rin siya sa paggawa ng horror movies tulad ng nanay niya.

Alex nasasapawan na si Toni

Itinanggi naman ni Alex Gonzaga sa presscon ng Buy Now Die Later ang obserbasyon na overshadowed o nasasapawan na niya ang kapatid na si Toni Gonzaga.

“Hindi naman po. First of all, what is overshadow? Hindi po kasi ang dami ring ginagawa ngayon ng aking kapatid and katatapos lang niya sa PBB (Pinoy Big Brother) and meron din siyang pelikula and meron siyang teleseryeng gagawin.

“Siguro hindi n‘yo lang siya nakita ng mga two months kasi nag-honeymoon sila nang sobra ni Direk Paul (Soriano).

“‘Yung mga hindi nagawa nu’ng nag-PBB, nag-honeymoon sila. Itinodo nila..” ani Alex.

 Isko Moreno tagos sa puso ang ad

Umeere na sa telebisyon ang Alam Ko Po ‘Yon campaign ad ni Manila City Mayor Isko Moreno na kumakandidatong senador sa Partido Galing at Puso nina Senator Grace Poe at Senator Francis Escudero.

Matutuwa si Isko kapag nalaman nito na positive ang mga feedback tungkol sa kanyang campaign ad na sariling idea niya at ni-record sa music studio ng award-winning composer na si Vehnee Saturno.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na nagmula sa mahirap na pamilya si Isko. Ayon sa mga nakausap namin, naramdaman nila ang sincerity ni Isko dahil totoo ang lahat ng mga pahayag niya sa Alam Ko Po ‘Yon television ad na tagos sa puso at hindi katulad ng ibang mga kandidato na nagpapanggap lamang na may malasakit sa mga mahihirap.

ACIRC

ALIGN

ANG

BUY

BUY NOW

DIE LATER

LEFT

MGA

NIYA

QUOT

STRONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with