^

PSN Opinyon

Round Two

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAGSIMULA na ang “round two”, ika nga, ng pagdinig sa kasong inangat ng Pilipinas sa The Hague hinggil sa iligal na pag-aangkin ng China sa halos buong karagatan. At ang unang ipinakitang ebidensiya ay lumang mapa mismo ng China, kung saan walang binabanggit na “nine-dash line” para patunayan na kanila ang mga islang tinutukoy. Hindi rin isinama ang mga isla sa Spratlys sa nasabing mapa. Ang “nine-dash line” na ginagamit ng China para patunayan sa kanila nga ang mga Spratlys at halos buong karagatan ay kailan lang inilikha. Inilikha para sa kanilang pakinabang.

Ilang bansa ang nagpadala ng mga kinatawan rin sa The Hague para obserbahan ang mga pagdinig. Suportado ng maraming bansa ang ginawa ng Pilipinas sa pag-angat ng problema sa UN. Binabantayan rin ng maigi ang mga nagaganap sa The Hague ng mga bansang may kanya-kanyang isyu rin sa pag-aangkin ng China, tulad ng Vietnam, Malaysia, Brunei at Taiwan. Kung maging matagumpay ang Pilipinas sa kaso, siguradong susunod ang mga bansang ito dahil may aksyon na ang UN. Halos lahat ay nawalan ng karapatang mapakinabangan ang kani-kanilang Exclusive Economic Zone, dahil sa banta ng marahas na aksyon mula sa Chinese Coast Guard na umiikot na sa karagatan.

Kapansin-pansin ang mesang walang laman sa The Hague, na naka-reserba para sa delegasyon sana ng China. Pero iginiit ng China na hindi sila maki­kibahagi sa nasabing pagdinig. Tila alam ng China na wala silang panalo sa korte, kaya sa ibang pamamaraan na lang idinadaan. Paraan na nagbabanta sa kapayapaan ng rehiyon. Opinyon din ng ilang eksperto na hindi rin susunod ang China kung sakaling magbaba na ng desisyon ang UN na pabor sa Pilipinas. Ito ay dahil sa kanilang malakas na mili­tar, pati na rin ang kanilang malakas na ekonomiya kung saan maraming bansa ang nakikinabang din.

Ganun pa man, nasa tamang direksyon ang bansa. Kailangan sa mapayapang pamamaraan idinadaan ang mga problema. Kaya nga may UN, hindi ba? Para saan pa ang UN at ang UNCLOS kung hindi rin susundin, hindi rin rerespetuhin? Ayaw naman siguro ng China na maging isang North Korea na rin sila.

ACIRC

ANG

AYAW

CHINA

CHINESE COAST GUARD

EXCLUSIVE ECONOMIC ZONE

MGA

NORTH KOREA

PILIPINAS

RIN

SPRATLYS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with