Vice dedma sa mga birada, tuloy ang shooting ng MMFF movie
MANILA, Philippines – Kahit iniintriga na pabulusok na ang career ni Vice Ganda, in full swing pa rin pala ang shooting ng pelikulang pinagbibidahan nila ni Coco Martin na official entry sa Metro Manila Film Festival 2015, ang Beauty and the Bestie.
Kahit katapat nga ng pelikula nina Vic Sotto at AiAi delas Alas na kasama sina Alden Richards at Maine Mendoza ang pelikulang ‘yon, wala naman silang balak na iatras ‘yon.
Ngayong araw ngang ito, may big scene na kukunan sina Coco at Vice.
Ang Wang Fam ay idinirek ni Wenn Deramas.
Benjie dedma na sa basketball, mas enjoy sa loveteam nila ni Pokwang
Pagkatapos ng presscon ng Wang Fam na pinagbibidahan nila ni Pokwang, inusisa ko ang former PBA player turned comedian na si Benjie Paras tungkol sa isang tsikang nakarating sa akin.
Pinag-uusapan kasi ng ilang mahihilig sa basketball na babalik ng bansa ang anak niyang si Kobe Paras na nag-aaral at nagba-basketball ngayon sa Amerika at sinasabing potential na maging isang NBA player.
Sabi pa, papasok daw sa De La Salle University si Kobe at magiging parte rin daw ng coaching staff ng Green Archers si Benjie.
Inamin naman ni Benjie na noong umuwi ng bansa si Kobe, nagkaroon talaga sila ng courtesy call sa businessman na si Mr. Danding Cojuangco.
Silang tatlo lang daw ang nag-usap-usap at marahil ay may mga nag-akalang inalok ni Boss Danding na maging parte ng Green Archers si Kobe.
Kilalang supporter ng nabanggit na collegiate team ang nasabing businessman, kaya ang duda nga ni Benjie, may mga nag-isip lang ng ganoon dahil nag-courtesy call nga sila kay Boss Danding.
“Courtesy call lang ‘yon, kaya nang umuwi rito si Kobe, nagpunta kami kay Boss Danding, pero walang ganoong napag-usapan o napagkasunduan. May ibang mga nag-iisip lang na baka papasok sa DLSU si Kobe at magiging parte ako ng coaching staff nila.
“Actually, si Boss Danding nga, very supportive sa pag-aaral at pagte-training ni Kobe sa Amerika, kaya hindi talaga totoo ‘yon.
“’Yung sinasabing magiging parte ako ng coaching staff ng Green Archers, hindi rin totoo. ‘Yung sa San Beda (Red Lions) nga, hindi ko na rin nagawa. Umalis na rin ako dahil hindi kaya ng schedules ko,” pahayag pa ni Benjie.
Sa ngayon, busy nga raw siya sa kanyang showbiz career at happy na sila ni Pokwang ang magkapareha sa Wang Fam ng Viva Entertainment.
Natutuwa rin si Benjie na ginawa pa silang “loveteam” ni Pokwang at tinawag na Bewang (BE for Benjie at Wang for PokWANG).
Samantala, hindi lang si Benjie ang nag-“off” muna sa basketball world kundi pati ang anak niyang si Andre Paras na part din ng cast ng Wang Fam.
Noong una, pinagsasabay pa sana ni Andre ang showbiz career niya at pagiging parte ng Red Lions ng San Beda College, pero sa ngayon, hindi na muna ito nagba-basketball dahil sunud-sunod nga ang mga proyekto sa showbiz.
Bukod sa Wang Fam, may The Half Sisters pa si Andre sa GMA 7 at may iba pang mga ginagawa.
CharDawn, kinakikiligan pa rin
Pinag-uusapan ang You’re My Home teleserye nina Dawn Zulueta at Richard Gomez sa ABS-CBN.
Kahit 25 years na ang “loveteam” nina Goma at Dawn next year, wala pa rin naman silang kupas.
Marami pa rin ang kinikilig sa tambalan nila!
- Latest