^

PSN Opinyon

Bagatsing vs 2-‘higante’

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

HANDA na si Manila 5th district Rep. Amado Bagatsing sa pagsagupa sa dalawang “higante” sa darating na mayoral­ty race sa Maynila na sina Mayor Joseph Estrada at ex-Mayor Alfredo Lim. Si Amado ay anak ng isa sa mga naging pinakamatino at malinis na Mayor ng Maynila na si Ramon Bagatsing.

Kinumbinsi si Bagatsing ng kanyang mga miyemro sa KABAKA at mga supporters para kumandidato sa pagka-alkalde. Suportado rin siya ng mga kababaihan ng Maynila kasi, ang bise-alkalde niya ay anak ni dating Manila Mayor na ngayo’y Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na si Councilor Ali Atienza.

Sa isang three-cornered fight magkakaroon ng magandang pagpipilian ang mga botante. Marami na rin ang nagsasabi na Lim ay dapat nang magpahinga sa politika sa edad na 88. Yung iba na ayaw kay Erap ay naghihimutok dahil nang manungkulan siya, nagkaroon na ng bayad sa mga public hospitals. Tinaasan din niya ang business at realty property tax bukod sa mainit na isyu sa privatization ng mga palengke. Anyway, tingnan natin kung papaano magdedesisyon ang ating mga kababayan sa Maynila para sa kanilang future at ng kanilang mga anak at apo.

Ang KABAKA o Kabalikat ng Bayan sa Kaunlaran Foundation ay may misyon na tugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan ng Maynila sa scholarship at sports program sa mga kabataan, kabuhayan at manpower training para sa mga walang trabaho.

Kapuna-puna ang pagbubuklod ng apat sa malalaking pangalan sa Maynila — ang Bagatsing, Atienza, Lopez, at Ocampo. May plano na rin daw sumama sa kowalisyon si 3rd District Congresswoman Zenaida Angping, asawa ni dating Congressman Harry Angping, matapos na mapagdesisyunang hindi na tatakbo sa pagka Bise-Alkalde. Si 6th District Rep. Sandy Ocampo na kilalang loyal supporter at pamangkin ni  Lim ay umanib na rin kay Bagatsing at muling tatakbo sa parehas na posisyon.

Ang kowalisyon ay tinawag na “Ang Bagong Maynila Coalition-Team KABAKA”. Hmm, interesting. Mga dating magkakalaban sa politika, nagsama-sama para kay Amado! Palibhasa  mukha kasing napag-iwanan na ng progreso ang Maynila na “Capital City” pa naman ng Pinas. Ano pa kaya ang dahilan ng pagsasanib na ito? Alamin natin sa susunod.

ACIRC

AMADO BAGATSING

ANG

ANG BAGONG MAYNILA COALITION-TEAM

BAGATSING

BUHAY PARTYLIST REP

CAPITAL CITY

CONGRESSMAN HARRY ANGPING

COUNCILOR ALI ATIENZA

MAYNILA

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with