Jeron at Jane split na?!
MANILA, Philippines – Ang magkapatid na Jeric at Jeron Teng sa Robinson Magnolia kahapon.
Nasa nasabing mall ang magkapatid dahil nanood sila ng sine ng kanyang pamilya.
Malapit lang sa nasabing mall ang bahay ng pamilya Teng.
Tuwang-tuwa ang ilang shoppers ng Robinson Magnolia nang makita ang magkapatid kahapon at panay ang pa-picture-taking kasama sina Jeric at Jeron.
Sa mga nagtatanong kung kasama ni Jeron ang nali-link sa kanya na si Jane Oineza, negative ang sagot.
Hindi ko na rin inusisa pa si Jeron kung ano nga ba talaga ang relasyon nila ni Jane.
Samantala, focus naman si Jeron sa game nila ngayong 4:00 p.m. ng De La Salle University Green Archers laban sa Blue Eagles ng Ateneo de Manila University.
Kahit bawal, mga fans ni Regine, ayaw magpaawat sa kaka-picture
Pinayagang makakuha ng picture basta walang flash ang mga nanood ng Regine at the Theater concert series ni Regine Velasquez-Alcasid sa The Theater ng Solaire Resort and Casino noong Friday at kagabi.
May ilang pasaway na hindi lang picture ang kinunan sa concert kundi kumuha rin ng video, kaya sinaway sila ng mga taga-The Theater.
Kapag nakikitang nagbi-video, nilalapitan at pinagsasabihan sila.
Samantala, after ng kanyang concert noong Friday, binigyan si Regine ng standing ovation ng mga nanood .
Gandang-ganda sila sa kakaibang concept ng Regine at the Theater concert series ng misis ni Ogie Alcasid.
Ang veteran entertainment writer/reviewer na si Mario Bautista ay gandang-ganda sa show.
Ayaw maniwala ni Tito Mario sa sinabi ni Regine na wala silang kinuhang direktor ng show.
Sabi ni Tito Mario, opening number pa lang ng show ay napakaganda na.
Nang puntahan namin sa backstage si Regine, sinabi niyang wala talaga silang direktor. Sila-sila lang daw nina Cacai Velasquez-Mitra, Raul Mitra at ibang mga kasama sa show ang nag-ayos no’n.
Wala nga pala sa show ni Regine noong Friday ang mister niyang si Ogie dahil nasa show naman ito ni Mr. Ryan Cayabyab sa Resorts World Manila.
Kagabi nanood ng Regine at the Theater si Ogie.
May dalawa pang shows ang Regine at the Theater, sa November 20 at 21.
PR ni Sen. Bongbong, hindi bagay sa showbiz
Dahil tatakbo sa pagka-Vice-President, panay na naman ang padala ng press releases ng office ni Sen. Bongbong Marcos sa ilang entertainment writers.
Hindi naman mapakinabangan ang press releases na ‘yon dahil wala namang kinalaman sa entertainment world.
Mas naisusulat ng entertainment press ang isa pang vice-presidentiable na si Sen. Chiz Escudero dahil may touch siya ng showbiz at mister siya ni Heart Evangelista.
- Latest