John Lloyd absent sa birthday ni Angelica!
Seven years na si Angelica Panganiban sa Banana Split (na ngayon ay Banana Sundae na) bilang isa sa original cast member. Since from the start of the show ay nandiyan na siya at marami nang nabago sa cast pero siya ay nananatili pa rin bilang pagmamahal na rin sa programa.
Bukod dito, ang iba kasing mga cast ay nagsisipag-asawa na at ‘yung iba naman ay may gustong i-explore na iba.
“Wala naman akong gustong i-explore, wala rin akong asawa kaya kung baga, tadhana lang na maiwan ako. Ako naman, masaya. Katulad ni Mamang (Pokwang), ‘di ba, bumalik siya? And hindi namin mararating ang 7 years na ito kung hindi dahil sa mga nagsimula at sa mga sumama sa amin sa show,” sabi ni Angelica sa presscon.
Dahil nga, nasabi na rin niyang nagsipag-asawa na ang iba, siya ba at 29 ay wala pa sa isip na mag-settle down or papunta ba siya roon?
“Well, doon naman talaga pupunta ang lahat, ‘di ba? Kung ‘yun ang nakatadhana sa akin. I think, mangyayari na lang siya kung mangyayari. Kung sa tingin ko or ng tadhana na ready na ako, ‘di siguro, ganu’n.”
Pinag-uusapan na ba nila ‘yan ng boyfriend niyang si John Lloyd Cruz?
“Hindi. Wala. Kasi, alam mo ‘yung may assurance naman na solid kami pero sa ngayon, parang ang saya pa nung takbo ng career, ‘di ba? Ang dami ko pang akala ko hindi ko magagawa. Pwede pala akong maging nanay sa isang 19 years old na. . . (si Daniel Padilla sa Pangako Sa‘yo) di ba? Parang ano, eh, nakakabigla ‘yung mga nangyayari nowadays so parang ang hirap sabihin, hindi mo talaga mapi-predict.
“So ngayon, kung ano ‘yung meron sa akin ngayon, talagang binibigay ko ‘yung 100% ko sa trabaho ko and ganun din naman siya (Lloydie). Kasi sayang ‘yung opportunity kung palalampasin namin.
“And I’m sure ‘yang mga ganyang bagay, makakapaghintay pero ‘yung chance na makapag-portray ka ng mga pinapangarap mong roles na siyempre, ang hinihingi eh single ka, so parang okay pa naman. Wala namang pagmamadaling nangyayari,” say pa ng aktres.
Last Nov. 4 ay nagdiwang ng kanyang ika-29 kaarawan si Angelica kaya natanong kung ano ang paandar sa kanya ng boyfriend.
Pero say niya, nasa work daw siya that day, sa taping ng Pangako Sa’yo at binigyan siya ng surprise ng cast and crew.
“Nakakatuwa lang kasi, pagdating ko sa set, walang bumabati sa akin. Parang “hello”, ganun lang, tapos parang mainit ang ulo nilang lahat. Parang, ‘ba’t ganun? Dapat masaya kami kasi birthday, parang pagod naman ang mga kasama ko.’ Tapos sabi ng kasama ko, ‘May magpapa-picture daw po sa taas.’
“Sabi ko, ‘Ang layo naman, magpapa-picture, sa taas pa?’ Buti na lang hindi ko sinabing mamaya na, buti na lang sumama ako. Pag-akyat ko, may surprise pala sila, may pa-lechon sila, banner, balloon. Sabi ko, ‘Ay, nakakatuwa naman!’”
This weekend naman ang celebration nila ni Lloydie. “Baka kumain kami sa labas or baka magluto-luto na lang, ‘yun naman ang hilig namin,” she said.
Kung natuloy sila, kagabi (Saturday) ang balak nilang celebration pagkatapos ng mga trabaho nila.
Kapamilya loveteams, nangunguna sa Push Awards
Magkakasukatan pala ng lakas at dedikasyon ng fans ng iba’t ibang stars at loveteams ang Push Awards dahil padamihan ng boto ang netizens kung sino-sino ang tatanghaling winners nito sa Nov. 10.
Ang sabi, lakas daw sa social media ang basehan ng pagpili ng ABS-CBN sa nominees ng Push Awards, kaya hindi naman nakakagulat na karamihan sa mga ito ay Kapamilya stars, na ilan sa mga most followed celebrities sa bansa.
Siyempre, hindi nawala dito ang mga sikat na Kapamilya loveteams tulad ng Kathniel (Kathryn Bernardo and Daniel Padilla), LizQuen (Liza Soberano and Enrique Gil), at JaDine (James Reid and Nadine Lustre). Pasok din sina Kim Chiu, Vice Ganda and Anne Curtis.
Pero dahil nga bukas ang Push Awards sa kahit anong TV network, pasok din dito sina Maine Mendoza at Alden Richards o ang AlDub loveteam na hindi naman talaga makakailang sikat na sikat ngayon. Nominated din ang mga Kapuso stars na sina Julie Ann San Jose and Marian Rivera na ang lakas din ng hatak online.
So, hindi naman pala totoo ang tsikang puro Kapamilya stars lang ang nominado.
Magandang hakbang ang ginawa ng Push Awards na ipinakita nilang pwedeng isantabi ang network wars. Dito, ang kapalaran ng mga nominadong artista ay nasa kamay ng mga fans.
Sa huli, ang ia-announce na winners ay ang nakakuha ng pinakamaraming boto sa loob ng halos dalawang buwang voting period. Abangan na lang natin kung aling grupo ng fans ang pinakamasipag sa botohan.
- Latest