^

PSN Palaro

PSL Grand Prix qualifier para sa Asian meet

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Makakapanood ang mga mahihilig sa women’s volleyball ng magagandang kompetisyon sa Asian club teams dahil sa bansa isasagawa ang 2016 Asian Volleyball Confederation (AVC) Asian Women’s Club Championship.

Ang mga pangunahing opisyales ng Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. (LVPI) ay tutungo sa Riyadh, Saudi Arabia para dumalo sa AVC General Assembly at Executive Council meeting mula Nobyembre 17 at 18.

Sa pagpupulong ay pormal na kukunin ng Pilipinas ang pagtayo bilang punong-abala sa AVC Women’s Club Championship.

Lalabas na ito ang magiging ikalawang international  hosting na gagawin sa Pilipinas dahil nagbi-bid din ang bansa sa FIVB Women’s Club Championship.

“Next year will be a very exciting year for Philippine volleyball because we are hosting not one but two international tournaments,” wika ni FIVB executive board member at Philippine SuperLiga (PSL) president Ramon “Tats” Suzara.

Ang PSL ang siyang tinokahan na ng LVPI na mamahala sa koponang ilalaban sa Asian meet matapos pangunahan din ang pagpapadala ng kalahok sa huling dalawang edisyon.

Ang Cignal HD Lady Spikers at Petron Lady Blaze Spikers ang kumatawan sa kompetisyon at pareho  si­lang pumasok sa Top 8.

Dahil dito, idineklara na rin ni Suzara na ang tatanghaling kampeon sa pinaglalabanang Grand Prix ang siyang kakatawan sa bansa sa 2016 Asian tournament na kinatatampukan din ng mga imports.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG CIGNAL

ASIAN VOLLEYBALL CONFEDERATION

ASIAN WOMEN

CLUB CHAMPIONSHIP

EXECUTIVE COUNCIL

GENERAL ASSEMBLY

GRAND PRIX

LADY SPIKERS

PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with