Tulong ng ECTE sa kabataan
IMPORTANTE ang edukasyon sa mga kabataan. Susi ito ng pag-unlad ng bansa. Kung ang bawat Pilipino ay produktibo at kumikita, bayan ang makikinabang. Kaya kailangan ang mga kursong magbibigay agad ng kakayahan at kasanayan sa mga kabataan para makapagtrabaho agad.
Nung isang linggo ay dinalaw ako sa opisina ng kaibigan kong si Dr. Dennis Solis. Kasama niya ang kaibigan nating si Teresita Bagalso ng Gawad Tanglaw na pinasasalamatan natin sa sunud-sunod na parangal na ginagawad sa Pilipino Star NGAYON bilang outstanding newspaper.
Di ko alam na si Dr. Solis ay mayroon palang proyekto ngayon na ang layunin ay bigyan ng kasanayan sa iba’t ibang larangang teknikal ang mga kabataan. Founder siya at presidente ng ELECTRON COLLEGE OF TECHNICAL EDUCATION (ECTE).
Natutuwa ako dahil bukod sa pamahalaan na nagtataguyod ng ganitong mga programa sa pamamagitan ng TESDA, mayroon din palang mga private endeavors na may ganyan ding layunin. Bilang tulong sa mga dahop na mag-aaral, inilunsad ng ECTE ang mga short-term technical courses na makatutulong upang ang isang nagtapos ay agad makahanap ng trabaho.
Maraming kurso sa ECTE kabilang na ang 15 days short course na ELECTRONICS TECHNICIAN (Appliance Repair & Maintenance: Radio, TV, VCD & DVD, Assemble Power Supply, Transformer, Amplifier), COMPUTER TECHNICIAN (Hardware & Software Troubleshooting), internet café set up, networking at marami pang iba. Siyempre may kaunting matrikula pero dinisenyo para maging abot kaya ng mga kabataang maralita. Kadalasang hadlang kasi sa edukasyon ay ang kakulangang pinansyal kaya sa ECTE, puwede itong gawing hulugan, ani Dr. Solis.
Mayroon ding sampung araw na short course kabilang ang CELLPHONE TECHNICIAN at marami pang iba. Ang ECTE ay may 11 branches na matatagpuan sa SM City, Novaliches, Marilao, Valenzuela City, Muñoz, Quezon City, Las Piñas City, España, Manila, at Parañaque City.
Para sa iba pang mga katanungan ay maaaring bumisita sa Electron College of Technical Education (ECTE) main campus sa 664 Quirino Highway, Novaliches, Quezon City o tumawag sa 418-2232 / 352-0081 o 954-0483.
- Latest