^

PSN Palaro

Patrombon, Dalisay humataw agad

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ginapi nina Jeson Patrombon at Fil-Spaniard Diego Dalisay ang mga nakaharap para manatiling palaban sa titulo sa 34th Philippine Columbian Association (PCA) Open-Cebuana Lhuillier ITF Men’s Futures 2 kahapon sa PCA clay court sa Paco, Manila.

May panapat si Patrombon sa larong ipinakita ni Japanese netter Shu Saito para angkinin ang 6-3, 6-3 tagumpay habang si Dalisay ay nanaig

sa kababa­yang si Rolando Ruel Jr., 6-1, 6-4 para umabante sa second round sa palarong may suporta ng Cebuana Lhuillier, Puma, Dunlop, The Phi­lippine Star, Babolat, Compass/IMOSTI at Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Sunod na kalaban ni Patrombon ang Indian netter na si Kuna­l Anand na ginulat si seventh seed Hiromasa Oku ng Japan,  6-1, 6-4.

“Maganda ang kundisyon ko ngayon kaya confident ako sa loob ng court. Kabisado ko rin kasi ang laro niya (Saito) kaya alam ko kung saan dadalhin ‘yung bola,” pahayag ng 22-anyos na si Patrombon na tiwalang mahihigitan ang kanyang second-round finish sa Manila ITF Men’s Futures 1 noong nakaraang linggo.

Kalaban naman ni Dalisay ang isa pang Hapon na si fourth seed Arata Onozawa na sinibak si PCA Open runner-up Patrick John Tierro, 6-0, 6-2.

Apat pang Pinoy ang magtatangka na umabante pa sa pagpapatuloy ng first round ngayon.

Ang 8-time PCA Open champion na si Johnny Arcilla ay lalaba­nan si Chen Tin ng Chinese Taipei; si Francis Casey Alcantara ay mapapalaban kay Ren Nakamura ng Japan; si Elbert Anasta ay masusukat sa ITF F1 champion na si Makoto Ochi at si Bryan Otico ay makikilatis sa isa pang Hapon na si Soichiro Moritani.

Wagi rin sina top pick Enrique Lopez-Perez ng Spain at second seed Harry Bourchier ng Australia na nagtala ng magkaibang panalo sa event na suportado rin ng Whilpool/Fujidenzo, Broadway Motor Sales Corp. Coca-Cola Femsa Philippines, Tyrecorp Incorporated, Pearl Garden Hotel, Metro Global Holdings Corporation, Avida, PVL Restaurant, Mary Grace Foods, Inc., Seno Hardware at Wire Rope Corporation.

ACIRC

ANG

ARATA ONOZAWA

BROADWAY MOTOR SALES CORP

BRYAN OTICO

CEBUANA LHUILLIER

CHEN TIN

CHINESE TAIPEI

COCA-COLA FEMSA PHILIPPINES

DALISAY

PATROMBON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with