^

PM Sports

Handang-handa na si Nietes lumaban

Abac Cordero - Pang-masa

CARSON, California – Limang araw bago ang kanilang mga laban ay ipinakita ni Donnie Nietes at ng iba pang Filipino boxers ang kanilang kahandaan at binawasan ang bigat ng pagsasanay nila sa Wild Card Gym sa Hollywood.

Ilang rounds na sparring lamang ang ginawa ni Nie-tes laban kay Filipino-American Brian Viloria na may malaking laban din sa Oktubre 17 sa New York City.

Ito ang ikatlong pagkakataon na nagsama sa training camp sina Nietes at Viloria.

“Okay naman ang sparring,” wika ni Nietes na nagte-training sa Los Angeles.

Ayon kay Nietes, tatlong beses na silang nag-spar ni Viloria sapul nang dumating siya dito noong Oktubre 1.

“Malaking tulong sa akin yung sparring sessions,” sabi ng 33-anyos na si Nietes na itataya ang kanyang suot na WBO light-flyweight crown at ang kanyang reputasyon bilang longest-reigning Filipino champion laban kay Juan Alejo ng Mexico sa Linggo.

Ang nasabing title fight nina Nietes at Alejo ang tampok sa Pinoy Pride 33 “Philippines vs the World” sa StubHub Center, ang tahanan ng Los Angeles Ga-laxy na dating nagparada kay star David Beckham.

Kasama din sa boxing card sina Albert at Jason Pagara at si Mark Magsayo na sasagupa sa mga boksingerong mula sa Nicaragua at Mexico.

Sinabi ni coach Edito Villamor na handa na ang lahat ng kanilang mga boksingero.

“No issue sa weight. Tama lang,” wika ni Villamor kasama ang kanyang kapatid na si Edmund.

Isusugal ni Albert Pagara ang kanyang IBF Intercontinental super-bantamweight title kontra kay William Gonzalez ng Nicaragua, habang makakatapat ng kanyang utol na si Jason si Nicaraguan Santos Benevides.

Makakaharap naman ni Magsayo si Yardley Suarez ng Mexico para sa IBF Youth featherweight crown.

ACIRC

ALBERT PAGARA

ANG

DAVID BECKHAM

DONNIE NIETES

EDITO VILLAMOR

FILIPINO-AMERICAN BRIAN VILORIA

JASON PAGARA

JUAN ALEJO

LOS ANGELES

NIETES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with