Chiz nanguna sa VP survey ng Pulse Asia
MANILA, Philippines – Nanguna si Senador Francis ‘Chiz’ Escudero sa limang kandidato na tatakbo bilang pangalawang pangulo sa pinaka-latest survey ng Pulse Asia.
Sa survey na isinagawa ng Pulse Asia mula September 8 hanggang 14, nakakuha ng 43 percent bilang “most preferred candidate” si Escudero.
Pumangalawa lamang si Sen. Bongbong Marcos na nakakuha ng 19 percent, sumunod si Sen. Allan Cayetano na may 16 percent, pang-apat si Sen. Antonio Trillanes na may 9 percent at panghuli ang pambato ng administrasyon na si Camarines Cong. Leni Robredo na nakakuha ng 7 percent.
Ibinigay ang limang pangalan ng Pulse Asia sa kanilang mga respondents at tinanong kung sino sa mga ito ang kanilang pipiliin upang iboto bilang vice-president sa 2016 kung ang halalan ay gaganapin ngayong araw.
Ginawa ang survey bago pa tanggapin ni Robredo ang alok ng Liberal Party sa kanya bilang running mate ni Mar Roxas, at bago pa magdeklara na tatakbo bilang pangalawang Pangulo sina Cayetano at Marcos.
Matatandaan na sa Sept. 8-14 survey ng Pulse Asia na lumabas nitong huling bahagi ng Setyembre ay kasama pa si Sen. Grace Poe sa voter preference sa pagka-presidente at bise presidente.
Setyembre 16 lang nang magdesisyon si Poe na tatakbo sa pagka-pangulo at kinabukasan ay ipinakilala nito si Escudero bilang kanyang running mate.
Samantala, kapansin-pansin din na nanguna si Escudero sa ibang mga kandidato sa mga respondents sa National Capital Region, Luzon, Visayas at Mindanao.
Pinakamataas din si Escudero sa lahat ng vice presidential aspirants dahil nakuha niya ang approval 48 percent ng mga respondents sa Mindanao.
Nanguna rin siya sa gusto ng mga tao sa lahat ng antas ng lipunan o socio economic classes.
- Latest