Laway para kay San Clemente
NOONG pari pa lang si San Clemente, aktibo na siya sa pagkakawanggawa. Minsan pinangunahan niya ang paghingi ng donasyon para sa mga anak ng sundalong namatay sa Napoleolinic wars. Mga giyerang pinangunahan ni Napoleon Bonaparte. Kumakatok sila sa mga bahay para personal na manghingi ng donasyon.
Sa kanilang paglalakad ay may namataan silang kalalakihan na nag-iinuman sa restaurant. Nilapitan ito ni San Clemente. Nanghingi siya ng donasyon. Ipinaliwanag niya ang kanilang misyon sa mga lalaki na medyo lasing na. May isang walanghiya na lumapit kay San Clemente at bigla na lang dinuraan ang mukha nito nang walang sabi-sabi. Kahit ang mga kainuman ng lalaki ay nabigla sa pangyayari.
Kalmadong kinuha ng pari ang kanyang panyo at saka pinahid ang laway sa mukha. Maya-maya ay malumanay na kinausap nito ang lalaking nandura sa kanya.
“Ang laway ay bigay mo para sa akin. Ano naman ang bigay mo para sa mga batang naulila ng mga sundalong napatay dahil sa pagtatanggol sa ating bayan?”
Tila natanggal ang kalasingan ng lalaki. Natigalgal ito sa huling tinuran ng pari. “Anak ng mga sundalong namatay dahil sa bayan”
Dali-daling binuksan ng lalaki ang kanyang pitaka at hinugot ang lahat ng perang nakalaman doon. Ibinigay ito kay San Clemente. Nagsunuran ang iba pang kainuman. Ang lahat ng lalaki ay nagbigay ng pera. Malayo na si San Clemente at mga kasama nito pero nakatanaw pa rin sa kanila ang mga lalaki. Hangang-hanga sila sa naging attitude ni San Clemente.
Si San Clemente ay ipinanganak sa Czech Republic. Na-ging pari siya ng Redemptorist congregation noon 1785. Siya ang patron ng mga taga-Vienna Austria at Warsaw Poland. Sa nasabing mga bansa siya nag-aral at matagal na nanirahan. May shrine siya sa Vienna Austria.
- Latest