^

PSN Palaro

34th PCA Open hahataw na depensa sa titulo sisimulan na ni Tierro

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dadaan sa butas ng karayom si Patrick John Tierro sa hangaring maidepensa ang hawak na titulo sa 34th Philippine Columbian Association (PCA) Open-Cebuana Lhuillier Wildcard Event ngayon sa bagong kumpuni na PCA Open Clay courts sa Paco, Manila.

Magsisimula ang torneo ngayon at kailangang makitaan ng matibay na laro si Tierro dahil kasali ang mga ma­lalaking pangalan sa local tennis sa kompetisyong ginagamit para madetermina ang mga papasok sa 2015 Manila International Tennis Federation (ITF) Men’s Futures Leg 2.

Ang finalists sa singles ay magkakaroon na ng tiket sa ITF event habang ang mga aabot sa quarterfinals ay papasok sa qualifying leg ng $15,000 event na magsisi­mula sa Oktubre 2.

Mangunguna sa magtatangka na pigilan ang ikala­wang sunod na kampeonato ni Tierro ay ang 8-time champion na si Johnny Arcilla.

Kasali rin ang dating Australian Open Junior champion na si Francis Casey Alcantara at Jeson Patrombon habang hindi rin puwedeng biruin ang papasibol na junior netter na si Alberto Lim Jr.

Suportado ng Cebuana Lhuillier, Puma, Dunlop, Head, Babolat, Compass/IMOSTI, Philippine Star at Sarangani Representative Manny Pacquiao, lalaban din ang mga beteranong sina Elbert Anasta at Kyle Joshua Dandan bukod pa kina Marc Reyes at Jurence Mendoza.

Magkakaroon din ng tagisan sa men’s doubles ang tatanghaling kampeon dito ang uusad sa Futures na suportado rin ng Wilpool/Fujidenzo, Broadway Motor Sales Corp., Philippine Tyrecorp Incorporated, Pearl Garden Hotel at Metro Global Holdings Corporation. (AT)

ACIRC

ALBERTO LIM JR.

ANG

AUSTRALIAN OPEN JUNIOR

BROADWAY MOTOR SALES CORP

CEBUANA LHUILLIER

ELBERT ANASTA

FRANCIS CASEY ALCANTARA

FUTURES LEG

JESON PATROMBON

JOHNNY ARCILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with