^

Metro

Taxi driver na suma-sideline na holdaper, tiklo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang taxi driver na sumasaydline bilang holdaper at responsable sa panghoholdap sa isang restaurant ang naaresto na ng mga ope­ratiba ng Quezon City Police District (QCPD) matapos ang isinagawang follow-up operations sa lungsod, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ng QCPD-theft and robbery section, ang suspect ay nakilalang si Ranato Castro Jr., 37, binata ng Alfonso St., Sampaloc, Manila.

Si Castro na gumagamit ng taxi sa kanyang panghoholdap ay nadakip matapos na maplakahan ang kanyang gamit na sasakyan at matukoy mula sa Land Transportation Office (LTO) ang nagmamay-ari nito na siya namang nagtukoy sa kan- yang pagkatao.

Sa imbestigasyon, hinoldap ni Castro ang Farinas Ilocos Empanada na matatagpuan sa 1 E. Rodriguez Avenue, ganap na alas -3:30 Lunes ng madaling-araw.

Nang makuha ang kinita ng establisimento   ay saka sumibat ang suspect gamit ang taxi.

Pero sa kanyang pagtakas ay nagawang makuha ng cashier ng gusali ang plaka ng taxi na naging daan para siya tugisin.

Sa ginawang berepikas-yon ng awtoridad sa LTO, lumabas na ang plakang TXZ-568 ay mula sa taxing may tatak na PONGSKI kung saan nakausap ng pulisya ang ope­rator nito at sinabing ang taxi ay hiniram ni Castro isang araw makaraan ang insidente ng panghoholdap at natunton ang kinaroroonan ng suspect.

ACIRC

ALFONSO ST.

ANG

FARINAS ILOCOS EMPANADA

ISANG

LAND TRANSPORTATION OFFICE

NANG

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RANATO CASTRO JR.

RODRIGUEZ AVENUE

SI CASTRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with