^

Pang Movies

Mga barako naaliw din kay Yaya Dub

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa rami ng problema sa ating bayan, nagsilbing anistisya ang pagsikat ng AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub ng Eat Bulaga. Pampaalis ng pagod at depresyon.

Hindi lang basta pagpapatawa ang pa­ngunahing hangarin ng KalyeSerye dahil pagbibigay din nito ng moral lesson sa mga kabataang nag-iibigan. Ipinakita nila na ang pag-ibig ay hindi kailanman nabibili.

Inosente pa kasi ang beauty at talent ni Yaya Dub. Hindi siya nagdaan sa karaniwang pag-eekstra ng mga gustong magbida. Isang katangian ni Yaya Dub ang pagda-dubsmash na mahirap tularan dahil sa iba’t iba nitong facial expressions.

Hindi man isang seksi star, karamihan ay mga barakong tsuper ng taksi at jeepney ang mga fans ni Yaya Dub.

John tuluy-tuloy ang pagganap bilang bayani

Sa September 11, nakatakdang mapanood sa Kawit Municipal Town Hall Island Cove Leisure Park sa Cavite, tampok si John Arcilla bilang si Kabesang Tales. Isang magaling na actor si John at mapapansing karamihan ng mga ginagawa niyang movie at dula ay tungkol sa mga bayani.

Mapapanood din si John sa Heneral Luna kasama sina  Paulo Avelino, Tommy Abuel, Paolo Contis, Alex Medina at marami pang iba sa September 9, nationwide.

                               

 

ALDEN RICHARDS

ALEX MEDINA

ANG

EAT BULAGA

HENERAL LUNA

ISANG

JOHN ARCILLA

KABESANG TALES

KAWIT MUNICIPAL TOWN HALL ISLAND COVE LEISURE PARK

NBSP

YAYA DUB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with