Pensiyonado, OFWs protektahan vs investment scammers - Salceda
MANILA, Philippines – Kailangan ng bansa at mga empleyado, pensiyonado at OFWs ang matibay na kalasag laban sa mga investment scammers o mandurugas na nais kamkamin ang kanilang mga savings o naipon.
Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, sadyang target ng mga scammers ang mga retiradong pensiyonado at OFW ng mga scammers dahil hindi sila gaanong protektado ng batas.
Napakalaki ang “idle savings” ng Pilipinas na aabot sa P3 trilyon na sapat na para burahin ang kahirapan sa bansa, ngunit hindi ito wastong nagagamit dahil sa mga “structural imbalances” ng ekonomiya kaya karaniwang nabibiktima ang mga OFW at pensiyonadong naghahanap ng investment kung saan kikita naman ang kanilang naipon.
Isang respetadong ekonomista na naging tagapayo ng mga Pangulo ng bansa, tinutukoy ni Salceda ang kasalukuyang malaking savings ng mga Pinoy na katumbas ng 42% ng Gross Domestic Product at ang mababang investment rate na katumbas ng 22% ng GDP na ang kumbinasyon ay lumilikha na malaking savings na aabot sa P3 Trilyon, ayon sa 2013 World Bank data on Philippine Investments and Savings.
Ang naturang savings ay lalo pang pinalalaki ng mga OFW remittances na ang malaking bahagi ay nailalagay sa mga property investments gaya ng bahay at condominiums. Dahil dito dapat din silang maprotektahan dahil tila may scam na rin sa pre-sales ng mga condo, dagdag niya.
Kaugnay nito, ipinapanukala ni Salceda na amyendahan ang RA 9710 na kilala bilang Magna Carta for Women, at gawin itong Magna Carta for Women, Senior Citizens and Retirees, at palakasin ang mga panuntunan nito laban sa mga ganid na “marketing and financial predators.”
- Latest