^

Metro

Bisikleta vs multi cab: Tatay patay, anak sugatan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang ama ang nasawi at malubha namang nasugatan ang angkas nitong 8-anyos na anak matapos salpukin ang kanilang sinasakyang bisikleta ng isang multicab, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang biktimang si Piolito Aloccilja, 36, ng Adriatico St., Malate, Maynila dahil sa matinding pinsala sa katawan. Ang anak naman nitong  si Princess Barientos, residente pa rin ng naturang lugar ay nilalapatan ng lunas sa nabanggit na pagamutan.

Nasa custody naman ng pulisya at nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at frustrated homi­cide ang driver na si Gilbert Reyes, 40, ng San Jose Del Monte, Bulacan.

Lumalabas sa pagsisiyasat ni PO3 Mark Jun Dialde Anaviso, ng Pasay City Traffic Bureau, naganap ang insidente alas-10:30 ng gabi sa Southbound lane ng Macapagal Avenue ng naturang lungsod.

Sakay ang mag-amang  biktima ng isang bisikleta at habang binabagtas nila ang naturang lugar ay biglang sumulpot ang isang Mitsubishi FB Body (multicab) (TXL0985) na minamaneho ni Reyes.

Huli na bago nakontrol ni Reyes ang preno ng sasak­yang kanyang minamaneho, dahilan upang masalpok nito ang pedicab na sinasakyan ng mga biktima. Sa lakas nang pagkakabangga ay tumilapon ang mga biktima, na may ilang metro ang layo.

vuukle comment

ACIRC

ADRIATICO ST.

ANG

GILBERT REYES

MACAPAGAL AVENUE

MARK JUN DIALDE ANAVISO

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY TRAFFIC BUREAU

PIOLITO ALOCCILJA

PRINCESS BARIENTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with