P 8.2-M pekeng sabon nasamsam
MANILA, Philippines - Umaabot sa P8.2 milyong halaga ng mga pekeng detergent bars ang nasamsam ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) matapos na salakayin ang dalawang bodega sa Davao City noong Miyerkules.Sa pahayag ni PNP-CIDG spokesperson P/Chief Inspector Elizabeth Jasmin, magkakasunod na sinalakay ng CIDG operatives ang dalawang bodega na pinag-iimbakan ng mga pekeng detergent bar na may tatak na ‘Champion. ’Sinasabing pineke ng sindikato ang orihinal na brand ng Champion detergent bar at saka ibinenta sa nasabing lungsod at iba pang lugar sa Davao. “The implementation of search warrant in Davao regarding infringing or unfairly competing Barato detergent bar which are identical to or substantial reproduction of the copyrighted Champion detergent bar layout owned by Peerless Products? Manufacturing Corp.,” pahayag pa ni Jasmin.Nabatid na aabot sa 8,019 kahon ng Barato bar at iba pang Ganda Soap na kinabitan ng Champion ang pineke ng sindikato na nagkakahalaga ng P 8.2 milyon.Ayon pa kay Jasmin, sa ilalim ng pangalang Champion ay ikinabit ang pangalang Barato Bar kaya nagawa pa rin itong ipagbili.Nahaharap ang nasabing kompanya sa kasong paglabag sa Section 170 (Unfair Competition Rights, Regulation and Remedies) kaugnay ng Republic Act (RA) 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines).
- Latest