Parang nagha-honeymoon din sa Amanpulo! Marian niregaluhan ng milyones na alahas ni Dingdong
MANILA, Philippines – Alahas ang gift ni Dingdong Dantes sa kanyang misis, Marian Rivera, na nag-celebrate ng birthday kahapon.
Ipinost ni Marian sa kanyang Instagram account ang nasabing kuwintas na tiyak na milyones ang halaga sa lalaki ng mga diamond katabi ang pink roses.
Nasa Amanpulo ang mag-asawa. Sabi nga ni Dingdong, doon sila unang nag-island date.
“We are now back in this place where we had our first ‘island date’ six years ago… but this time, we are accompanied by our little one inside. Evidently, the skies dictate that during these special days, we shall make use of the beautiful natural resources. Happy birthday my love.”
Happy birthday Yan Yan.
Ryan Rems pinuputakti na ng babae
Nagpakitang gilas kahapon ang grand winner ng Funny One kasama ang runner ups ng It’s Showtime.
Nag-perform sa ilang invited na entertainment press si Ryan Rems Sarita, na nanalo ng P1 million.
Maging ang runner-ups na Crazy Duo (1st runner up), si Nonong Ballinan (2nd runner up), No Direction (3rd runner up), at si Gibis Alejandrino (4th runner up) ay nagpa-sample kahapon.
Lahat naman sila ay nakakaaliw at makikita mo sa kanila ang passion na magpatawa.
Nakakaaliw ang Crazy Duo. Mag-ama pala sila pero nagbabatukan sila na kung hindi pa nila sinabi ang pagiging magtatay nila, hindi mo maiisip.
Si Nonong ay cute magpatawa lalo na nang sampolan niya kung paano mang-holdap ang mahiyain.
Ang No Direction ay bukod sa nakakatawa ang hitsura nila, todo ang paglalaro nila sa sarili.
At siyempre ang grand winner na si Ryan na matagal na pala naman siyang nagsusulat ng mga material sa comedy.
Member siya ng Comedy Manila, na samahan ng mga stand-up comedian.
Taong 2008 pa lang umano nang magsimula siyang magsulat ng mga materials for stand up comedy.
Bukod sa P1 milyon at ang titulong kauna-unahang grand winner ng Funny One, araw-araw na rin siyang mapapanood sa It’s Showtime.
“Misteryo rin sa akin kung paano ako pumatok. ‘Yung unang salang ko natalo ako. Naisip ko walang saysay ito. Tapos natalo na naman ako ng isang beses. Okay lang. May na-tap pala ako na audience na hindi nanonood ng TV o walang TV sa bahay,” saad ng dating English instructor at call center agent.
Nakuha nga ni Ryan Rems ang kiliti ng mga manonood dahil sa kanyang sumikat na signature line na “rock and roll to the world.”
At kumpara sa mga nakatapat na komikeros niya sa Funny One, kalmado lang sa entablado si Ryan Rems na matagal na raw niyang istilo sa kanyang pagpe-perform. Kaya nga tinatanong siya kung ano ang kinakain niya dahil lagi siyang cool na cool habang nagpapatawa.
“Sabi nila pangmatalino ang jokes ko, hindi naman talaga. Ganito na lang ‘yun: Sa isang bahay, may isang makaka-gets sa akin. ‘Yung apat, mumurahin lang ako. Kahit isang tao lang sa bahay na may maka-gets sa akin, okay na sa akin,” aniya.
Dahil sa kanyang pagkapanalo, marami na rin siyang fans na tumitili-tili sa kanya.
“Dati, sanay ako na isa o dalawang message lang sa Facebook per week. Ngayon ‘di na mabilang. May mga babae rin na nagme-message sa akin, mga nagsasabing ‘Sinira mo ang mundo ko, Ryan Rems. Sayong-sayo na ako,” pahayag ni Ryan Rems habang tumatawa.
KC dumalaw sa hospital
Dumalaw na si KC Concepcion sa kanyang mommy Sharon Cuneta na nasa ospital pa rin hanggang ngayon.
Inilagay ni Sharon ang picture nila ni KC sa kanyang Facebook account pero wala siyang inilagay na caption.
Maaalalang sa Facebook din dati nag-emote si Sharon tungkol kay KC. Pero hindi noon sumagot si KC kaya madaling natapos ang isyu sa ‘away’ nila.
- Latest