‘Beki lingo’ ginamit sa sagutan ng spokesman nina P-Noy at Binay
MANILA, Philippines - Nagsagutan ang mga spokesman nina Pangulong Noynoy Aquino at Vice President Jejomar Binay gamit ang ‘beki lingo’.
Ayon kay Joey Salgada, tagapagsalita ng OVP, sa tuwing madidinig o mababasa ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda ang pangalan ni Vice President Binay ay tumataas ang blood pressure ng tagapagsalita ng Pangulong Aquino.
Magugunita na tinawag ni Lacierda na ‘charot’ ang True State of the Nation Address (TSONA) ni VP Binay noong Lunes na ginanap sa Cavite State University.
Sinagot naman ni Salgado si Lacierda ng “Imbey ang fez ni Secretarush dahil trulalu ang spluk ni VP. Pero ang SONA ng pangulo, chaka ever sa madlang pipol dahil hindi trulalu.”
Naaliw naman si dating Customs Commissioner Ruffy Biazon sa sagutan ng 2 spokesperson gamit ang mga gay lingo kaya nag-post ito sa kanyang twitter account ng ‘bonggacious ang tarayan, naloka aqui’.
- Latest