^

Punto Mo

Ibaba ang pasahe

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

INAASAHANG muling bababa raw ang presyo ng produktong petrolyo at kung matutuloy ito, malaki na ang ibinawas sa presyo.

Ayon sa Department of Energy, pitong beses na ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo at inaasahan sa susunod na linggo ay baka may pangwalong rollback na naman.

Pero napakatahimik ng sektor ng transportasyon at wala atang balak na mag-rollback sa singil sa pasahe.

Kung walang kaimik-imik ang sektor ng transportasyon ay dapat nang kumilos ang LTFRB na may saklaw dito.

Habang patuloy ang pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo ay ibaba na rin agad ang singil sa pasahe.

Dapat ay sabay-sabay na magbaba ng pasahe ang bus, jeepney at taxi.

Para hindi naman mabigatan ang mga tsuper ay dapat magkaroon ng partisipasyon ang mga operator.

Kapag magbawas sa singil sa pasahe ay bawasan ang boundary upang hindi naman lubhang maapektuhan ang kita ng mga tsuper.

Sa ngayon, pawang mga driver at operator lang at iba pang motorista na may sariling sasakyan ang nakikinabang sa pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo samantalang ang mga pasahero ay walang pakinabang.

Sana, kumilos na agad ang LTFRB na maibaba ang singil sa pasahe sa lalong madaling panahon habang mababa pa ang presyo ng langis.

ANG

AYON

DAPAT

DEPARTMENT OF ENERGY

HABANG

KAPAG

MGA

PASAHE

PERO

PRESYO

SANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with