Nakalulungkot na katotohanan
…tungkol sa mga taong sikat at inakalang napakabuti:
John Lennon
Itinago ni John Lennon ang kanyang anak na si Julian sa mata ng publiko dahil natatakot itong mabawasan ang kasikatan. Ayaw ng mga babaeng fans na ang kanilang idolo ay may asawa o girlfriend. Mismong si Julian ang nagsabing kaya hiniwalayan ng kanyang sikat na ama ang kanyang ina ay dahil nakisama na ito kay Yoko Ono. Kahit siya ang panganay na anak, siya ang nakatanggap ng pinakamaliit na mana.
Sean Penn at Madonna
Kasal pa sila nang makipagrelasyon si Madonna kay Warren Beaty. Nang mabisto ni Sean ang pangangaliwa, itinali niya sa silya si Madonna at walang awang binuntal nang ilang oras.
Christopher Columbus
Sa kabila ng kanyang pagdiskubre sa Amerika, sinasabing siya ang nagdala ng syphilis sa Europe. Siya ang dahilan ng pagkalat ng naturang sakit. Mahilig siya sa babae.
Jackie Chan
Bukod sa kanyang legal wife, may nabuntis siyang ibang babae. Inamin niya na nagkaroon siya ng extra marital affair pero hindi niya kinilala kahit kailan ang batang babae na ipinagbuntis ng naging karelasyon niya.
Pablo Picasso
Kung ano ang galing niya bilang painter, ganoon din siya ka-galing mambabae. Malupit siya sa kanyang misis. Ang kalupitan niya sa babae ay makikita sa mga nangyari sa kanyang mga kabit: Unang kabit ay nagpakamatay. Ang dalawa ay nabaliw.
Sources: news.asiaone.com, Madonna, an intimate biography, wikipedia
- Latest