^

PM Sports

Magno pasok sa quarters sa women’s boxing meet

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isinantabi ni Irish Mag­no ang pagkakaro­on ng sipon upang  bigyan ng unang panalo ang bansa sa ASBC Asian Confederation Wo­men’s Continental Cham­pionships sa Wu­lan­chabu, China.

Ang 24-anyos na si Mag­no ay nakitaan ng bilis at gulang sa laban pa­ra kunin ang panalo laban sa AIBA Women’s Youth World Champion na si Lin Yu Ting sa Chinese-Taipei sa flyweight division.

Isa si Magno sa si­na­­­­sa­bing magiging palaban sa gin­­­to sa kan­yang dibis­yon ma­tapos magwagi ng pi­lak sa SEA Games sa Singapore.

“Our new hope in the flyweight class Irish Mag­no  was more confident in the bout than her opponent from Chinese Taipei,” wika ni ABAP exe­cutive director Ed Pic­son.

Umabante na si Magno sa quarterfinals at isang panalo pa ang mag­titiyak na sa kanya ng bronze medal.

Apat ang lady boxers na ipinadala ng ABAP na pinamumunuan ni Ricky Vargas at lahat ay may magandang tsansa na makakapag-uwi ng ka­rangalan tulad ng gi­na­wa sa SEAG.

Si dating world cham­­pion at SEAG gold medalist Josie Ga­buco, SEAG silver medalist sa bantamweight  na si Nesthy Petecio at SEAG bronze meda­list sa featherweight na si Rica Pasuit ang kukum­pleto sa delegasyon na kung saan sina Roel Ve­lasco at Mitchel Martinez ang mga coaches.

Umabot sa 16 bansa na binubuo ng 96 bo­xers ang maglalaban-laban hanggang sa Agosto 15.

ACIRC

ANG

ASIAN CONFEDERATION WO

CHINESE TAIPEI

CONTINENTAL CHAM

ED PIC

IRISH MAG

JOSIE GA

LIN YU TING

MAGNO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with