^

Punto Mo

Sampaguita (120)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ISANG araw, may masamang balita na natanggap si Ram mula sa kapatid na nasa Australia. Maysakit ang kanilang ina at ang gusto ay makauwi na sa Pilipinas bago pa abutin doon ng kamatayan. Kailangang maghanda si Ram sa pagdating ng kanyang inang maysakit. Bilin ng kanyang kapatid, sa bahay nila sa Makati sa halip na sa ospital dadalhin. Nagsasawa na raw sa ospital ang kanilang ina kaya ang gusto ay sa bahay na lang abutin ng kamatayan. Maaaring hindi na raw magtagal ang kanyang ina, sabi ni Ram.

“Babalik din ako rito kapag naayos ko na ang lahat na may kinalaman kay Inay, Kailangang ihanda ko ang kuwarto niya at iba pa. Ayokong darating si Inay na hindi nasa ayos ang aming bahay.’’

“Sige Ram, mag-ingat ka. Sana naman ay walang mangyari sa iyong inay. Sana humaba pa ang kanyang buhay. Gusto kong makita siya.’’

“Salamat, Sam.’’

“Kailan ba siya darating?’’

“Sabi ni Kuya baka mamayang gabi o bukas ng madaling araw. Kaya kailangang makaalis na ako ngayon din.’’

“Sige, Ram. I love you.’’’

“Love you too.’’

Umalis na si Ram.

“Kawawa naman si Ram, Senyorita,” sabi ni Viring. “Mukhang mahal na mahal niya ang kanyang inay.’’

“Opo Manang. Katulad din po nang pagmamahal ko sa aking Lola Rosa.’’

“Oo nga pala kumusta ang Lola Rosa mo?’’

“Malakas pa po.”

“Sino ang kasama niya sa probinsiya?”

“Siya lang pong mag-isa. Sanay po siya. Pinadadalhan ko po siya ng pera nang regular. Si Ram nga po ang nagpapadala ng pera sa kanya thru money transfer. Pero wala po siyang alam sa ginagawa ko ngayon. Ang alam niya, empleyada pa rin ako.’’

“Ganun ba? Hanga ako sa lola mo. Matanda na pero kaya pang mag-isa.’’

“Marami rin po kasing tutulong sa kanya in case na may problema. Mababait po ang tao sa amin.’’

“Mabuti naman.’’

Nang biglang matahimik si Sam. Naisip si Ram. Sana ay makabalik si Ram. Sana walang mangyari sa inay nito. Mahirap na wala silang kasamang lalaki rito. Baka may mga magnanakaw!

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYOKONG

INAY

KAILANGANG

LOLA ROSA

OPO MANANG

RAM

SANA

SI RAM

SIGE RAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with