^

Police Metro

Binay sa ‘TSONA’: Daan matuwid batbat ng kahirapan

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi umano na-impress si Vice President Jejomar Binay sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino noong nakaraang Linggo at sa kanyang “True State of the Nation Address (TSONA) iniisa-isa nito ang kapalpakan ng administrasyon sa mahigit limang taon nitong pamumuno.

“Ang narinig natin ay ulat na punung-puno ng kwento, pagbubuhat ng sariling bangko at - tulad ng mga naunang SONA - paninisi,” wika ni Binay na muling binanggit ang Aquino government na “manhid at palpak.”

Inihayag ni Binay sa kanyang “TSONA” na ginawa sa Cavite State University, alas-4:00 ng hapon na kaparehong oras din na inihayag ni Aquino ang kanyang SONA.

“Napakadaling ma­mulot ng numero, mga numerong sa unang tingin ay makislap at kagiliw-giliw. Ngunit hindi kayang pagtakpan ang umaalingasaw na katotohanan na pilit itinatago at ipinagkakaila: pagkaraan ng limang taon, marami pa rin ang naghihirap, nagugutom at walang trabaho,” wika pa ni Binay.

Sinabi rin ng Bise Pre­sidente na sa limang taon ng Aquino admi­nistration, ay tumaas ang ekonomiya, su­balit hindi naman nabiyayaan ang milyong manggagawa, magsasaka at mga mahihirap na ang tanging nakinabang ay eksklusibo lang sa ma­yayaman at malalapit sa kanya tulad ng kanyang mga kaibigan, mga mi­yembro ng kanyang political party na Liberal Party (LP).

Iniisa-isa ni Binay ang mga kapalpakan ng admi­nistrasyon tulad ng Luneta hostage crisis,  Zamboanga siege, Yolanda tragedy, at ang pagkamatay ng 44 Special Action Force (SAF) sa tinaguriang Mamasapano massacre, na hindi binanggit ni Aquino sa kanyang SONA.

Si Binay na nagsalita sa  venue na ang  backdrop ay mga larawan ng  44 mi­yembro ng Special Action Force (SAF) na nasawi sa Mamasapano encounter laban sa  Moro Islamic Li­beration Front.

“Apatnapu’t apat ang nagbuwis ng buhay at marami ang sugatan. Ngunit kahit pahapyaw, hindi nabanggit ang kanilang bayanihan sa SONA. Kahit TY ay wala,  at mabuti pa ang hair sty­list at fashion designer ay kasama sa mahabang listahan ng pinasalamatan,” wika ni Binay.

Bilang pagpaparangal ay iniisa-isa ni Binay ang pangalan ng 44 miyembro ng SAF.

Nabatid na ang Cavite ay ikawala sa pinakamaraming botante na una ay Cebu  na aabot sa dalawang milyon na registered voters, ayon sa Comelec’s 2013 data.

 

ACIRC

ANG

AQUINO

BINAY

BISE PRE

CAVITE STATE UNIVERSITY

LIBERAL PARTY

MAMASAPANO

NBSP

SHY

SPECIAL ACTION FORCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with