^

Metro

Central Luzon at Calabarzon kasama na rin! Metrowide shake drill, palalawakin

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mas lalawak na ang magiging saklaw ng susunod na Metrowide shake drill, dahil sa susunod na pagsasanay ay isasama na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Central Luzon at CALABARZON.

Ito’y matapos na maging  matagumpay ang naturang pagsasanay na isinagawa noong isang linggo, na halos nasa 7 milyon ang lumahok dito.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino, na ang mga  lugar  na dapat maghanda sa pangalawang shake drill ay ang malapit sa 90-kilometrong fault system tulad ng Bulacan; Sta. Rosa, Calamba at Biñan sa Laguna; at Carmona, Cavite.

Bukod dito, isasama rin umano sa mga susunod na drill ang pag-antabay sa magiging epekto ng lindol sa La Mesa Dam at posibleng tsunami sa Manila Bay.

Kasabay nito, sinabi ni Tolentino na dalawa hanggang tatlong drill na lamang ang kailangan para mahasa ang publiko sa paghahanda sakaling tumama ang ma­lakas na lindol.

Una nang  nilinaw ni Tolentino, na walang inilaang budget ang pamahalaan para sa isinagawang  shake drill noong nakaraang linggo dahil kanya-kanyang gastos ang mga lumahok sa pagsasanay.

ACIRC

ANG

ATILDE

BUKOD

BULACAN

CENTRAL LUZON

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

LA MESA DAM

MANILA BAY

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with