^

Metro

Huramentado todas sa parak

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 32-anyos na miyembro ng Sigue-sigue Sputnik gang nang makipag­barilan sa rumespon­deng mga pulis sa gitna ng kanyang pagwawala  nang hindi matagpuan ang sinugod na ba­rangay Ex-O at isang tanod sa Tondo, Maynila kamakalawa ng hapon.

Dead-on-arrival sa Gat Andres Boni­facio Memorial Medical Center­ (GABMMC)  ang biktimang si Wilfredo Modrigo ng Building 11,  Unit 308, Vitas, Tondo­, bu­nga ng mga tama ng bala sa katawan.

Nakaengkwentro ng biktima ang mga nag­res­pondeng sina C/Insp. Ariel Caramoan, commander ng Smokey Mountain-Police Community Precinct; PO2 Roy Navarro at PO1 Mar Bhen Gacutan.

Sa ulat ni PO2 Michael Marragun ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 3:45 ng hapon nang maganap ang in­sidente sa may   Katuparan Homes, Vitas.

Sinabi ni Chairman William Ypon ng Ba­rangay 101, Zone 8 na  sumugod sa kanilang barangay hall ang biktima na may bitbit na sumpak at malakas ang boses na hinahanap si Brgy. EX-O Jose Mondejor at isang di pinangalanang ba­rangay tanod.

Wala umano ang hinahanap ng biktima kaya sa labas ng barangay hall ay nagwawala itong sumisigaw kaya humi­ngi ng police as­sistance sa Smokey Mountain PCP ang barangay kagawad.

Paparating umano ang mga pulis nang paputukan pa umano ni Modrigo at tumakbo ito kaya nauwi sa maikling habulan at siya ay nagantihan ng putok. (Ludy Bermudo)

ACIRC

ANG

ARIEL CARAMOAN

CHAIRMAN WILLIAM YPON

GAT ANDRES BONI

KATUPARAN HOMES

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAR BHEN GACUTAN

MEMORIAL MEDICAL CENTER

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with