^

Probinsiya

Explosion sa presinto: 4 katao sugatan

The Philippine Star

MANILA, Philippines - Apat katao ang nasugatan makaraang sumabog ang isang eksplosibo sa harapan ng police station sa madugong insidente nitong Biyernes Santo ng gabi  sa Zamboanga City.

 Kinilala ang mga nasugatan na sina Magdalena  Araneta, 61-anyos na guro; Ofelia Enriquez, 77; Victor Bartolome, 34 at ang 14-anyos na binatilyong si Marvin Esperat; pawang nilalapatan na ng lunas sa Zamboanga City General Hospital.

Ayon kay Supt. Ariel Huesca, Chief ng Police Public Safety Company (PPSC) sa lungsod, dakong alas-8 ng gabi nang sumabog ang Improvised Explosive Device (IED) sa ilalim ng isang nakaparadang Toyota Navarra sa harapan ng Ayala Police Precint sa Brgy. Ayala ng lungsod.

Kasalukuyan namang inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa isang inarestong notoryus na drug pusher  na nakapiit sa detention cell ng nasabing himpilan ang  nangyaring pagsabog. (Joy Cantos)

 

ARIEL HUESCA

AYALA POLICE PRECINT

BIYERNES SANTO

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

JOY CANTOS

MARVIN ESPERAT

OFELIA ENRIQUEZ

POLICE PUBLIC SAFETY COMPANY

TOYOTA NAVARRA

VICTOR BARTOLOME

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with