BIFF ipaghihiganti ang pagkamatay ng gang lider
MANILA, Philippines – Nagbabala ang mga kamag-anak ng nasawing gang leader tungkol sa nilulutong paghihiganti ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.
Nasawi si Yusoph Abisali alyas Bisaya matapos makaengkwentro ang mga tauhan ng 34th Infantry Battalion ng militar nitong linggo.
Apat na sundalo ang nasawi, habang anim ang sugatan sa bakbakan sa bayan ng Datu Unsay, Maguindanao.
Kinatatakutan si Bisaya dahil sa kanyang kasamaan at kalupitan. Ilan sa kanyang mga biktima ang isang magsasaka na pinagtataga niya.
Napatay din Abisali ang dalawang sundalo na kalalabas lamang ng simbahan sa bayan ng Datu Piang nitong nakaraang taon.
"The BIFF is planning to avenge his death," wika ng pinsan ni Bisaya na tumangging magpakilala.
Bagama't itinigil an ang all out offensive ng militar sa BIFF ay nananatili ang pagtugis ng mga awtoridad sa mga rebelde.
Umabot sa 130,000 residente ang naapektuhan at lumikas sa kanilang mga tirahan.
- Latest