Responsable sa sunog kakasuhan - BFP
MANILA, Philippines – Nagbabala ang kagawaran ng Bureau of Fire Protection sa publiko na sasampahan nila ng kasong kapabayaan ang sinumang mapapatunayang nagiging sanhi kung bakit nagkakasunog sa kanilang lugar.
Ayon sa BFP, nakaka-alarma na ang sunog sa bansa na umabot na sa 4,682 insidente mula March 30, 2015, kahit pa mas mababa kumpara noong nakaraang taon na may 5,455 fire incident ng kahalintulad na panahon.
Sabi ni BFP Director Ariel Barayuga, sa kabila ng kanilang pagpupursigi na turuan ang publiko kung papaano mapipigilan ang sunog, patuloy itong nadagdagan kada araw na nagiging sanhi ng pagkawala ng buhay at ari-arian.
Aniya, sa ilalim ng nasabing batas, sinumang mapapatunayang nagkasala ng korte ay mahaharap sa pagkakabilanggo ng anim na buwan hanggang anim na taon, depende sa sirkumstasya at bigat ng pagkakasala nito.
Base sa record ng BFP, ang pinaka-common na sanhi ng sunog ay napabayaang nakasinding kandila o gasera, kapabayaan sa pagtatapon ng upos ng sigarilyo, napabayaang niluluto/stove, kaingin, paputok, o mga batang iniiwan mag-isa habang naglalaro ng posporo at lighter.
- Latest