^

Metro

Konsehal inirereklamo ng ‘pangho-hostage’ ng ATM ng dating tauhan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inirereklamo ng isang dating empleyado ng isang  konsehal ng Maynila ang  panghohostage umano ng  huli sa kanyang ATM dahilan upang hindi niya umano makuha ang kanyang sahod at iba pang benepisyo.

Nabatid na isang taon nang  hindi nahahawakan ng  dating empleyado ng  konsehal ang kanyang ATM sa kabila ng kanyang pakiusap.

Sa kabila umano ng pahayag  ni Manila Mayor Joseph na ibibigay ang 4th tranche, hindi rin umano natanggap ng dating em­pleyado ang benepisyo na naging dahilan naman ng  kanyang pagbibitiw noong Enero 2015.

Naniniwala ang  dating empleyado na ginagawa din ito ng konsehal sa kanyang mga dating kasamahan lalo pa’t kada dalawa hanggang tatlong buwan at nagpapalit ito ng mga tauhan.

Madalas din umanong nasisita sa personnel at pay master ang listahan ng mga empleyado mula sa opisina ng konsehal.

Lagi umanong kinakausap ng dating empleyado ang konsehal upang kunin ang kanyang ATM at mga benepisyo subalit panay naman ang tanggi nito. Wala naman umanong masabing dahilan ang  konsehal.

Nakatakda namang mag­reklamo ang complainant sa Ethics Committee upang mabigyan ng parusa ang konsehal.

 

DATING

ENERO

ETHICS COMMITTEE

INIREREKLAMO

KANYANG

KONSEHAL

LAGI

MANILA MAYOR JOSEPH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with