^

Police Metro

Malacañang itinanggi ang ‘pag-collapse’ ni P-Noy

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines – Mariing itinanggi ng Malacañang ang kumalat na balitang nag-collapse si Pangulong Noynoy Aquino noong Biyernes, Marso 20.

Nilinaw kahaponni deputy presidential spokesperson Abigail Valte at tiniyak na wa­lang nababanggit na karamdaman ang Pangulo kahit ubo o sipon.

“Alam n’yo, the last week na nakakasama ko ang Pangulo, okay naman po siya. Wala naman po siyang nababanggit na karamdaman or any—or kahit ‘yung cold or cough…I can assure you that the President’s health is in good condition according to his physician,” ani Valte.

Tiniyak rin ni Valte na regular na sumasailalim sa check-ups ang Pangulo at nagpapatingin ito sa kanyang personal na doktor kapag nakakaranas ng ubo o sipon.

Sinabi pa ni Valte hindi rin nila alam kung sino ang nagpakalat ng tsismis na nag-collapse ang Pangulo.

Hindi rin naman umano unang pagkakataon na may nagpakalat ng tsismis na may opisyal ng Malacañang ang hinimatay dahil nangyari rin ito tatlong taon na ang nakakaraan.

ABIGAIL VALTE

ALAM

BIYERNES

MALACA

MARIING

PANGULO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

VALTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with