Pacquiao pauulanan ng 'hard punches' si Mayweather
MANILA, Philippines – Isa sa mga diskarteng gagawin ni Manny Pacquiao sa kanilang paghaharap ni Floyd Mayweather Jr. ang pagpapaulan ng suntok.
Sinabi ng eight-division champion na wala pang nakatapat si Mayweather na tulad niyang volume puncher kaya naman tiyak na masusubukan ang magandang depensa ng Amerikano.
"He [Mayweather] has very good speed and footwork, and he has punches, and that makes him look good," wika ni Pacquiao kay Kevin Iole ng Yahoo sports. "But it depends on the fighter he is going to fight. For me as a boxer, I know what the job is. I'm going to throw a lot of punches, a lot of hard punches.
BASAHIN: Pacquiao kailangang ma-KO si Mayweather para manalo – Marquez
Kilala ang matinding depensa ng undefeated American boxer ngunit nasubok ito laban kina Miguel Cotto at Marcos Maidana.
Dahil dito tumaas ang kumpiyansa ni Pacquiao na lumaki ang kanyang tsansang maibigay ang unang pagkatalo ni Mayweather dahil aniya'y ibang iba ang kanyang bilis at pagbibitiw ng mga suntok sa mga nakalaban ng Amerikano.
"There is nobody out there who really has thrown a lot of punches at him, but I'm going to do that. He is a very good boxer, but I know how to box and I can move side to side and throw punches," patuloy ng Filipino boxing icon.
Nakatakdang magharap sina Pacquiao at Mayweather sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas.
- Latest